Pagdating
"Tara na. Hatid na kita." Yaya ni Paris pagkatapos ng ilang oras naming pag stay dito sa kahuyan nila. Nagdala siya ng pagkain kaya may nagawa kami doon sa tree-house.
"Hindi na. Pupunta ka na naman doon."
"Eh ano naman? Ngayon pa ba kita hahayaang umuwi mag-isa? Ngayong tayo na." Hinawakan niya ang kamay ko at dinala palabas ng kahuyan.
"Anong gagawin natin pag nakita tayo ng mga tao don aber? Lalo na si Tita Olivia at Levi."
"Wala... Ano naman ngayon. Eh di makita lang nila tayo."
Bumuga ako ng isang malalim na hininga. Tanggap ko, hindi ako mananalo pagdating sa bangayan kay Paris.
"Fine. Pero hanggang sa kanto lang. Malapit naman na ang bahay namin doon. Lalakarin ko nalang."
Ngumisi siya. "Copy love."
Sabay kaming nangiti sa endearment niya. Nakakainis kasi kahit corny, gustong gusto ko parin pakinggan.
"In love ka na naman sakin. Sus!" Aniya habang minamaneho ang sasakyan nito.
"Utot mo! Magmaneho ka na lang dyan."
Tumawa siya at inopen ang stereo ng kotse niya.
"Eyes on the road Paris. Mabangga tayo!" Utos ko. Pasulyap-sulyap kasi sakin eh.
"Ganda mo kasi. Pwede pa kiss?"
"Loko! Oh dito na ako." Sabi ko ng makita ang kantong papunta sa bahay. Pero laking gulat ko ng hindi siya huminto.
"Paris! Dito nalang ako." Ani ko, pero hindi siya nagpapigil. Nakarating na kami pero nakangisi lang siya.
"Ang tigas ng ulo mo. Di ka nakikinig sakin." Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang bumaba. Mahirap na kung mas magtatagal pa siya.
"Matigas talaga. Coz I can do everything for my love."
Isang pangungusap. Isang pangungusap lang yun pero nawala na lahat ng inis ko. Iba talaga!
"Sige na! Alis na! Makita ka pa dito." Pagtataboy ko sa damuhong matigas ang ulo at ang katawan. Hahaha Naramdaman ko kaninang niyakap ako eh.
"Bye love. See you!"
Nakaalis na si Paris pero hindi parin naalis ang ngiti ko.
"Mukhang nag eenjoy kayo ha?" Nagulat akong napatingin sa aking likod.
"Kuya Clode?"
"Yes Reyna?" Aniya habang nakahalukipkip at nakataas ang labi.
"Bat ka ba nanggugulat ha?!" Sinapak ko na ang braso niya.
"Aray!" Reklamo nito. "Sumbong ko kayo kay daddy eh."
Umamba ako ng suntok at itinapat iyon sa mukha nito. "Subukan mo."
Tumawa siya ng sobrang lakas at itinaas ang kamay ng bahagya. "Oh-oh! Chill little sister. Talo mo pa ako sa bugbugan."
"Ewan ko sa'yo Kuya Clode." Inirapan ko siya at lumayas na sa harapan nito.
"Hey! Kafatid!" Nakahiga ako sa kwarto ko nang biglang kumatok si Kuya Clode.
"What?"
"Can you just let me in first?" Tss.
I opened my door and let my annoying brother come in.
"Lagi mo nalang akong pinagtritripan. Pareho kayo ni Paris–" Huli na ng marealize ko ang nasabi ko.
BINABASA MO ANG
The Parisian Queen (Complete)
RomanceMontellor Cousins Series Paris and Helen were two of the most iconic and remarkable names in Ancient Mythology. Their love for each other were so strong, undefitable, and historic. But it is also the love that brought forth war and hostilities betwe...