His Parisian Queen
Nagising akong nag-iisa sa kama dahil sa pagtama ng liwanag sa mukha ko. Idinantay ko pang lalo ang mukha ko sa malambot na unan at puting bed sheet namin ni Paris. Amoy ko roon ang pamilyar na amoy niya. Hindi ko maitatangging hinahanap-hanap ko na iyon simula noong lumipat kami ng bahay.
Yes. I don't know kung kelan siya nagpatayo ng house pero right after ng kasal namin lumipat na agad kami. Hindi ko nga alam kung paano niya nakuha ang bawat gusto ko. As in all the designs! This house is my ideal house. Iba talaga ang diskarte niya. Nakakabilib. Wala naman akong problema doon, as long as si Paris ang kasama ko. Ang asawa ko.
Pilit kong sinubukang matulog uli pero mukhang nagising na ang diwa ko. Hindi ko maintindihan ngayong mga nakaraang araw, parang nayayamot ako lagi.
Bumaba ako sa sala para sana hanapin ang asawa ko pero wala siya roon. Narinig ko na parang may nag-swi-swimming sa labas. Siguro ay naroon siya.
Nabaling naman ang atensyon ko sa napakalaking wedding picture namin na nakasabit sa gitna ng hagdan. Sa may sala. Bigla tuloy nagbalik ang mga moments ng kasal namin sa utak ko. Mga ala-alang hindi ko kailan man makakalimutan. My memories with Paris. My King. My Superman. My Knight in Shining Armor. The love of my life. My Man. My Husband. My Paris Trevor Montellor.
(Flasback)
Hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko sa oras na magbukas ang pintuan ng simbahan sa harap ko.Para akong dinala sa langit nang makita ko ang pinagplanuhan naming kasal ni Paris. Mula sa puti at old rose na kulay ng mga bulaklak, sa set-up ng entrance, sa susuotin ng entourage, sa wedding gown ko, sa suit niya. Lahat lahat ay nakikita ko na ngayon. Sobrang saya.
Nagsimula na akong maglakad kasama si dad at mom nang mag-umpisang kumanta ang wedding singers namin. A duet rendition of Perfect by Ed Sheeran.
Halos hindi ko na maramdaman ang sahig na tinatapakan ko. Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa ulap. Pinasadahan ko ng tingin ang mga nagpapalakpakang tao sa gilid ko. Ang mga kaibigan namin, mga kapamilya. Lahat ng bisita.
Mangiyak-ngiyak rin ang mata ko pero pinigilan ko ang pagbagsak ng kahit na gabutil na luha mula doon.
I want to be the most beautiful bride of the most handsome groom.
Speaking of my groom. Tumingin ako sa lalaking naghihintay sa akin sa dulo ng nilalakaran kong isle. He's so handsome in his 3-piece coat. He's so regal and monumental. Para siyang isang international model. Nah, isang Greek god.
Oh, I found the love ... to carry more than just my secrets, to carry love, to carry children of our own ...
Tumitig ako sa mata niya. Waring ang mga lyrics ng kanta ang naging lengwahe namin. Ngumiti ako ng makitang nagpupunas na luha si Paris. Pero ano mang pigil ko ay sumunod na ring tumulo ang luha ko. Akala ko mapipigil ko, pero iba na pala pag nakita mong umiiyak ang lalaking papakasalan mo. Magkadugtong na yata ang mga buhay namin. Ang pakiramdam niya ay pakiramdam ko na rin.
Inilipat ni daddy ang kapit ko sa kamay niya papunta sa kamay ni Paris. Nang magdantay ang mga kamay namin ay ramdam ko ang samu't saring emosyon at elektrisidad sa katawan ko.
"May your love be my daughter's home, hijo. I and Lorna is trusting on you." Kinamayan ni dad si Paris. Ang sarap lang tingnan na ang dalawang lalaking naging malaking parte ng buhay ko ay magkasundo. Matagal kong pinangarap ito.
BINABASA MO ANG
The Parisian Queen (Complete)
RomanceMontellor Cousins Series Paris and Helen were two of the most iconic and remarkable names in Ancient Mythology. Their love for each other were so strong, undefitable, and historic. But it is also the love that brought forth war and hostilities betwe...