Chapter 3

10.5K 211 7
                                    

Isabela

Madaling natapos ang maliligayang araw ng summer para sa akin. Ngayon ay oras na para magpaalam ako. First week na ng June kaya kailangan ko ng pumunta sa Isabela. Kailangan ko ng ayusin ang mga requirements ko.

Like what I've said, mag-aaral ako doon for first semester. Pagbubutihin ko ang pag-aaral ko para makabalik na rin ako dito sa Manila sa pag-uumpisa ng second semester, and no one could hinder me from doing that.

"Are you all set Reyna?" Pumasok si Mommy sa kwarto ko habang inaayos ko ang mga dadalhin kong mga damit. Binitbit ko ang jacket ko bago ko pinulot ang backpack ko. May isang malaking bag rin ako dyan, ipapakuha ko nalang sa driver mamaya. Balak ko sanang mag bus nalang pero hindi ko alam yung exact place nila lola, at paniguradong hindi rin ako papayagan nila mommy and daddy.

"Okay na po ako mom." Ngumiti ako sa kanya.

Tumango siya sa akin. "I hope you'll be good there. Huwag kang magiging sakit ng ulo sa lola mo." Ngumiti rin siya bago lumapit siya sa akin at niyakap ako. Gumanti ako ng yakap sa kanya. Habang magkayakap kami ni mom ay nakita ko ang pagpasok ni daddy sa pinto ng kwarto ko.

"Reyna. Hindi ka pa ba nakapag-ayos? It's already 8." Pambungad niya. Humiwalay ako kay mommy at inayos ang pagkakasabit ng backpack sa likod ko.

"Ok na ako daddy." I informed.

"Naghihintay na si manong sa labas." Tumango ako at nauna ng bumaba. Nakita ko naman agad ang driver namin sa pintuan.

"Kuya pakuha nalang yung isa kong bag sa kwarto."

"Sige po maam." Sagot niya sa akin at agad namang umakyat para kunin iyon.

"Magpakatino ko na don Reyna. Ayusin mo na rin ang pag-aaral mo." Narinig ko ang boses ni daddy sa likod ko. Sumulyap ako sa kanya at tumango na lamang. Ayoko ng makipagtalo.

"Go get in the car now, Reyna. Mahaba pa ang byahe niyo." Sabi naman ni mommy. Yumakap uli ako sa kanya bago ako sumakay sa kotse. Agad rin namang sumunod si manong dala yung bag ko. Dalawa yung driver na maghahatid sa akin. Ten to eleven hours ang byahe namin kaya hindi kakayanin kung isa lang ang mag dradrive.

"Kuya! Mag-iingat po kayo sa byahe. Alam niyo naman ang number namin ni Armando, tumawag kayo sa amin pag may problema." Huling pasabi ni mommy bago kami umalis.

"Sige po maam." Sagot ng isa naming driver.

Sumulyap ako sa wrist watch ko at eksaktong eight na ng umaga kaya paniguradong six or seven in the evening kami makakarating sa Isabela.

Ibinaba ko ang salamin ng bintana ng kotse at nakita ko si mom at dad na nakatayo sa pintuan. Ngumiti ako kay mommy at nakita ko ang pagkaway nito. Napatingin ako kay daddy at nakita ko ang pagngiti niya sa akin kasabay ng pag-andar ng sasakyan. Agad naman iyong pinatakbo ni manong palabas ng bahay na kinalakihan ko.

Napahinga ako ng malalim. Ano kaya ang magiging buhay ko sa probinsya? I really don't have an idea.

Ilang oras na rin kaming nasa byahe at bagot na bagot na ako habang nakatingin sa mga nalalampasan namin. May nakasaksak na earphones sa tenga ko at sawang sawa na ako sa mga kantang paulit ulit kong pinapakinggan.

Tinanggal ko iyon at nag dial sa phone. Tatawagan ko nalang si Gabby. Siguro ay nasa university yon para mag enroll.

"Hello, gorgeous Gabby on the phone." Napa-ikot ako ng mata sa sinabi niya. Sabog na naman to.

Di ko nalang pinansin iyon. "Hi Gabby!" bati ko.

"Hi." Maikling bati nito sa akin. Mukhang nasa school nga ang bruha. "Oy ate! Huwag kang sumingit! Di mo ba nakikita yung pila oh? Ayan oh ang haba-haba." Biglang sabi nito. Natawa ako. Mukhang may tinatarayan na naman siya. May mga sinabi pa siya pero di ko na naintindihan.

The Parisian Queen (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon