Acquaintance Party
"Oy Reyna! Ipaliwanag mo nga yung nangyari kanina sa classroom?" Naguguluhang tanong sa akin ni Kate habang patuloy kaming naglalakad.
"That was nothing, Kate." Pagsasawalang-bahala ko.
"Anong nothing nothing ka dyan? Bakit parang may something na nangyari sa inyo ni Paris?" Aniya.
Naghanap kami ng pwedeng upuan at nakita namin ang isang bench sa gilid ng field. Nasa lilim iyon ng puno.
Mukhang hindi ko na rin naman maaalis kay Kate ang pagtatanong, kaya wala akong choice kung hindi ang sabihin sa kanya ang pagpunta ko doon sa kahuyan ng mga Montellor.
"Remember the time when I ask you about that... yung kahuyan na property ng mga Montellor?" Pag-uumpisa ko. Tumango siya sa tanong ko. "Noong hapon ng araw na iyon, pumunta ako doon, and unfortunately, nagkita kami doon ni Paris."
Napamulagat siya. "Nagkita kayo? So ... don't tell me, ikaw yung pinag-uusapan nilang diwata kanina?" Napalakas ang boses niya kaya siniko ko siya sa tagiliran. Hininaan nito ang boses niya, "So ikaw nga?"
Tumango ako, at sa di maipaliwanag na dahilan ay napatili siya. "Gosh Reyna. Kinikilig ako! Ikaw ba naman ang tawagin ni Paris na diwata?" Inilagay pa niya sa mukha niya ang mga kamay at parang bulateng gumalaw. "Kung sa bagay, yung ganda mo rin kasi parang pang diyosa, sakto lang yon." Dugtong niya.
Ilang sandaling walang umimik sa amin nang biglang may itanong uli si Kate, "Wait lang. May narinig din akong sinabi mo kanina. Yung sa ginagawa ng engkanto? Anong ginagawa ni Paris noong nagkita kayo doon?" Biglang tumaas ang energy ni Kate dahil sa naisip niya.
Hindi ko alam kung ganon ba ang iniisip nito, pero mas mabuti na lamang na hindi ko sabihin. "Wala." Pagtatapos ko sa usapan. "Sinabi ko lang yun para hindi ako magmukhang pikon." Palusot ko pa.
Tumaas ang kilay niya at pinag krus ang kamay. "Weeh? Di ako naniniwala."
Magsasalita uli sana ako ng mapukaw ng apat na lalaking nakatayo sa gilid ng inuupuan naming bench ang atensyon ko.
"At anong ginagawa niyo dito?" Bulyaw ko.
"Maingay nga brad." Narinig kong bulong ni Loel kay Paris. Nakangisi lang naman ang huli habang nakatingin sa akin.
Nakipaglaban ako ng titig sa kanya. Ilang segundo rin siguro kaming nagtitigan ng siya na mismo ang umiwas ng tingin. Weak! "Oh ano? Tutunganga nalang kayo dyan? Alis na nga tayo Kate." Patayo na kami ni Kate ng biglang humarang si Loel.
"Wait lang mga miss beautiful, may sasabihin lang naman kami." Pagpapaliwanag nito.
Kokontrahin ko pa sana uli yung sinabi niya pero may biglang humila sa kamay ko. Sunod ko na lamang na napansin ay hila-hila na ako ni Paris.
"Hoy lalaki! Bitawan mo nga ako." Bulyaw ko. Wala akong pakialam kung napapatingin na ang ibang estudyante sa amin. "Hoy! Bitawan mo nga ako!" Pilit kong kinukuha ang kamay ko mula sa kanya pero mahigpit ang pagkakahawak niya doon.
"Can you please shut your mouth Ms. Aredez. Bumabawi na nga ako sa pagtawag ko sayo ng maingay diba?" Tinawag niya akong Ms. Aredez. Hindi ko alam kung ano ang magiging resulta ng pagsisinungaling ko.
Huminto siya kaya napatigil din ako sa paglalakad. Hawak niya perin ang kamay ko. Napansin kong nasa harap kami ng cafeteria. Hinila niya uli ako at dinala sa isang mahabang table. "Wait me here." Huling saad niya at nagtungo na doon sa counter ng mga pagkain. Nagkibit-balikat na lamang ako at hinayaan na siya sa gusto niyang gawin. Bahala siya sa buhay niya.
BINABASA MO ANG
The Parisian Queen (Complete)
RomanceMontellor Cousins Series Paris and Helen were two of the most iconic and remarkable names in Ancient Mythology. Their love for each other were so strong, undefitable, and historic. But it is also the love that brought forth war and hostilities betwe...