Chapter 43

7.1K 136 7
                                    

The Surprise Visitor

"Good morning Ma'am."

Ngumiti ako sabay bati pabalik sa employee namin. I am at the company now for an announcement.

Yes, daddy will announce to the board, of my appointment as the operations manager for Arevalo Wines.

I caught a deep breath before pressing the conference hall's floor. I was mirroring on the elevator's wall when suddenly a group of our employees came in.

Shocks. I didn't notice the elevator's signal. Nakakahiya. Bakit kasi hindi ko ginamit yung reserved elevator for the executives.

I regained my composure and tried to act normal like nothing happened.

"Good morning Maam, Reyna." They greeted.

I smiled. "Good morning." Weeew.

The elevator tings, so I moved out. Dumaan ako sa ilang table and cubicles ng may marinig na usapan mula sa ibang babaeng employee.

Huminto ako sandali. Hindi ko naman sinasadyan makinig. They were just loud.

"Nakita niyo ba yung news about the business summit sa Davao last week?" Tanong ng isang babae. There are three of them. And I think, they haven't notice my presence at their back.

"Yun bang inaattendad ni Ms. Reyna?" Tanong naman nung isa.

Medyo nangiti ako. Employees should know the recent happenings about their company.

"Oo. Yun. Nakita niyo ba yung interview niya kasama yung President ng Montellor Wine Company? Ang pogi grabe!"

Nag-init ang ulo ko bigla at parang umusok ang ilong ko. Binabawi ko na yung sinabi ko kanina.

"Oo nga. Grabe. Nakikita ko rin yun sa mga magazines at billboards. Iba siya friend. Pogi, hot at masarap."

Inimagine ko ang itsura ng hinayupak noong nagkita kami sa Davao, tama nga ang pagkaka-describe ng mga tsismosang to.

Pero aba! Mga walangya! Wala bang trabaho tong mga to?

"Nako! Wag na kayong umasa. Mukhang may lovelife na yun." Kontra nung pangatlo.

Go girl. Kontrahin mo sila. Wala dapat napapauto ang gagong yun dahil sa itsura niya. Bias kasi eh.

"Pano mo naman nasabi?"

"Dati kasi, napanood ko sa interview niya na may hinihintay daw siyang girl." Naging interested ako bigla. Mamaya ko na papagalitan tong mga to.

"Hinihintay lang naman pala. Pwede pa yun!"

Tumaas ang kilay ko. Haba ng hair mo te ha? Achieve mo? Sure ka?

"Gaga! Nasaktan daw kasi niya yung girl. At huli na ang lahat ng ma-realize niyang sobrang tanga niya para gawin yun."

Nahipilig ko ang ulo ko. Parang familiar. Lol

"At eto ang malala, dalawang taon na niyang hinihintay yung girl. Eh sa yaman, pogi at hot nung president ng MWC, maraming naghahangad don. Bat ka naman maghihintay ng dalawang taon ng walang kasiguraduhan kung hindi mo mahal yung tao diba?"

Medyo tinamaan ako sa sinabi niya. Hindi ako yun. Baka may pinalit na siya sakin nung mag-break kami. Gaya nga ng sinabi niya, maraming naghahangad sa gagong yun.

Sasawayin ko sana sila ng may magtanong uli. "So bumalik na ba yung babae?"

Hindi ko nakikita ang reaksiyon nila kaya hinintay ko kung may sasagot.

The Parisian Queen (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon