Tipo
Hindi na ako nakapagtanong pa ng mas marami dahil ang sabi ni lola ay sapat na raw ang nalaman namin para maintindihan ang lahat.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ay bumalik na kami ni kuya sa kanya-kanya naming kwarto.
"Haist." Nilamutak ko ang mukha ko. Nakahiga ako ngayon sa bed ko at kasalukuyang iniisip ang nalaman.
"Reyna! Baby!" Napairap ako sa kawalan dahil narinig ko si kuya mula sa labas. Ginaya pa niya ang pagtawag ni Paris sa akin ng baby. "Ano na naman ba?" Tanong ko pagbukas ng pinto.
"Hulaan ko.." aniya. Pumasok siya at tumayo sa veranda ng room ko.
Sumunod ako sa kanya. "Anong huhulaan mo?"
Tumingin siya sakin. Sunod ay tumingin siya sa paligid sa labas na kung di dahil sa liwanag ng buwan ay paniguradong nababalot na naman sa kadiliman.
"Iniisip mo yung sinabi ni lola." Konklusiyon niya.
Tumango ako at lumanghap ng hangin. "Hindi ko nalang sana nalaman yun, kuya. Sana nanatiling business ang alam kong dahilan ng lahat ng galit nila dad."
Nangunot ang noo niya. "Bakit? Di ba mas magandang nalaman mo ang totoong dahilan?" Aniya.
"Eh, mas mahirap nang ipaglaban ang relasyon namin ni Paris ngayong nalaman kong malalim pala ang pinanghuhugutan ng galit nila dad sa mga Montellor."
"Oh ano? Yun lang ba ang magiging dahilan para sukuan mo si Paris?" Tanong ni kuya. Mukhang boto nga ito kay Paris.
"Syempre hindi." Tumingin ako sa labas at tumitig sa mga butil ng ilaw sa kalayuan. Sigurado akong sa bahay nila Paris iyon.
"Yun naman pala." Aniya. "What you'll be doing now?"
"I need to hear the side of Paris' father. Kailangan kong malaman ang panig ni tito Henry. Maybe it will help me and Paris to solve this issue."
Nangunot ang noo ko dahil pumalakpak si Kuya. Para san yon? "Good job 'lil sister." Sabay tawa. "You'll gonna end these conflicts."
Umismid ako. May ilan pa kaming pinag-usapan ni kuya bago siya bumalik sa kwarto niya.
Nakahanda na akong matulog nang biglang mag beep ang phone ko.
"Baby." Basa ko sa text ni baby, lol, ni Paris.
"Po?" Reply ko.
Hindi ko pa naibaba ang phone ko ay nakapagreply na siya. Ang bilis naman ng mokong. "What are you doing?"
Nangiti naman ako bigla. Iba din talaga pag may nangangamusta sa'yo. "Nothing. Nakahiga lang. Ikaw bat di ka pa tulog? Ano pang ginagawa mo?" Sunod sunod kong tanong.
"Wala. Nakatingin lang sa langit. Katatapos kong mag basketball." Aniya.
Napatingin ako sa orasan. 8 palang naman kasi ng gabi. May sarili yatang court ang hari sa tabi ng bahay nila. Siguro ay doon naglaro. "Maligo ka na! Paniguradong mabaho ka." Tukso ko.
Nauna siyang nagsend ng laughing emoji. Di kalauna'y nag reply din. "Opo. Gusto mong sumama? Ligo tayo?"
Kung kasama ko siya ngayon, bugbog sarado na naman to.
"By the way, may pupuntahan ka ba bukas?" Nakatanggap uli ako ng text galing sa kanya.
Inisip ko kung may gagawin ako bukas. Sabado, kaya free ako. "Wala naman. Bakit?"
"Mom invites you here. Lunch." Reply niya.
Kinabahan ako. Lalo pa ngayong may nalaman akong may kinalaman sa pamilya ni Paris.
BINABASA MO ANG
The Parisian Queen (Complete)
RomanceMontellor Cousins Series Paris and Helen were two of the most iconic and remarkable names in Ancient Mythology. Their love for each other were so strong, undefitable, and historic. But it is also the love that brought forth war and hostilities betwe...