Chapter 37

6.3K 129 1
                                    

Thank You ... Goodbye

"Sht." Napamura ako nang biglang marinig ang malakas na busina ng sasakyan. Madilim na kaya hindi ko ito nakita kanina.

"Hoy babae. Magpapakamatay ka ba?" Sigaw ng driver. "Tsaka anong ginagawa mo sa gitna ng ulan? Baliw!"

Kahit ng isang salita ay hindi ako nakasagot. Lutang parin ang utak ko hanggang ngayon.

Pinag patuloy ko ang paglalakad habang tumutulo parin ng walang tigil ang luha ko.

Naaninag ko na ang bahay.

Bigla akong nanghina nang bigla ring dumaan sa isip ko ang lahat ng sinabi ni Paris sa akin kanina. Hindi ko akalain na ang mga maling akalang iyon ang sisira sa amin sa isang iglap.

I can't even say your name. Diring-diri akong banggitin lang ang pangalan mo.

Manloloko ang lolo mo! Manloloko ang pamilya niyo! Manloloko ka!

Pabalik-balik ang mga matatalim na panghuhusga sa utak ko. Sinasaksak ang puso ko pero wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak. Ang hina ko. Ang hina-hina ko.

Kung alam ko lang, sana noon pa ako nakinig sa mga taong nakapaligid sakin. Manloloko ka!

Humagulgol ako sa iyak. Kung alam ko lang rin Paris. Kung alam ko lang, sana noon pa man ay nakinig na rin ako kanila daddy at tita Olivia. Nahihiya akong pinatunayan mong tama sila.

"Reyna!" Nabaling ang atensyon ko kay mommy. Nasa tapat siya ng gate hawak-hawak ang isang payong.

Lumapit siya sa akin. "San ka galing? Nag-alala kaming lahat sayo. Bakit ka nagpakabasa sa ulan?"

Pinilit kong ngumiti. Salamat sa ulan dahil hindi napansin ni mommy ang luha ko.

Pagpasok namin sa bahay ay sinalubong kami ni daddy. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Reyna? Binalak mo bang tumakas?"

Ngumisi ako. Hindi man lang siya nag-aalala sa akin. Bakit ka nagpaulan? Basang-basa ka. Sana man lang ay nagtanong siya.

"Wag ho kayong mag-alala, sasama na ako sa inyo pabalik ng Manila." Natigilan sina mommy at daddy. Pati ang pababa sa hagdang si Tita Olivia ay napahinto rin.

"Babalik na ako ng Manila, but let me attend my graduation next week."

Umiling si daddy. "No. Aalis na tayo bukas, sa ayaw mo man o gusto."

"Armando." Lumapit si mommy sa kanya. "Pumayag na si Reyna na bumalik ng Manila, but please, let her attend their graduation rites. This will be a once in a lifetime experience for her... anyway, nakita kong nag improve ng malaki ang academics niya, so please let her do this. Please, do it for me and for Reyna."

Nangiti ako ng malamlam. Huli na ang lahat mom, nawala na sa akin ang lalaking mahal ko.

"Ok. Papayagan kitang mag stay dito hanggang next week, but with my condition. Ihahatid-sundo ka ng driver natin, papasamahan din kita sa isang body guard."

"Armando." Puna ni Mommy.

"What? It's up for Reyna to choose. Take it or leave it."

Napapikit ako. Wala rin namang katuturan pang tutulan ang gusto ni dad. Kahit awkward ang may body guard na kasama sa school. Kahit na boring ang hatid-sundo ng driver. Gusto ko lang talagang maka attend ng graduation at makapagpaalam man lang sa mga taong nakilala ko dito sa Isabela.

The Parisian Queen (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon