Chapter 54

9.1K 155 14
                                    

Welcome to the Montellors

Huminga ako ng malalim pagkahinto ng sasakyan ni Paris sa harap ng mansion nila. Sinundo niya ako sa bahay nila lola.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan kaya agad na rin akong bumaba. Inayos ko naman di katagalan ang dress ko.

I was in a above the knee length, navy blue, Illusion Yoke Lace Sheath Dress. Sumulyap ako kay Paris. He's in a suit with the same color as my dress. He paired it with his white shoes. We were in semiformal attires because it was his mom's birthday party.  Actually, siya ang bumili ng damit ko, para daw matching kami. Daming paandar ng pogi.

"Ready?" Aniya.

Tumango ako kaya naman hinapit na niya ako sa bewang. Akma na siyang hahakbang ng pigilan ko siya.

"Paris. Hindi pa pala ako ready."

Tumawa siya dahil para akong batang kumapit sa laylayaan ng damit niya.

"Your relatives are there, for sure. Paano pag hindi nila ako gusto para sayo. I'm still an Arevalo."

"Problema ba yon? I will turn you into a Montellor in no time. Maghintay lang sila."

"Di ka nakakatulong. Isss! Baka maihi ako sa loob." Sinapak ko ang braso niya na nagpahalakhak naman rito. Maiinis na sana ako kung hindi lang siya cute pag tumawa. Para siyang mamatay kakatawa.

"Tama naman yung sinabi ko ah. And I assure you Reyna. They will like you. Ako na mismo ang nagsasabi."

Lumabi ako. Sana lang ay hindi ako china-charot nitong poging nilalang na to.

Hinalikan niya ako sa pisngi. "So if you mind, pwede na ba tayong pumasok baby?"

Tumango ako at kumapit sa braso niya. Ako na rin mismo ang unang gumalaw.

Pagpasok namin ay sinalubong kami ng maraming tao gaya ng isang tipikal na party. Malawak ang garden nila Paris kaya dito na rin siguro nila napagdesisyonang icelebrate ang birthday ni Tita Mildred.

May mga ilang nabaling ang atensyon samin nang makihalubilo kami sa tao. What will I expect, Paris is effortlessly handsome. A certified head-turner. Naalala ko pa nga noong nag i-stay ako sa office niya. Noong mga panahong gulong-gulo ako kung talaga bang mag sa-submit ng papers yung mga babaeng student leaders o sadyang pumaparaan lang sila.

"Bakit mo naman na pinapatay sa titig yung babae?" Napasulyap ako sa nakangising mukha ni Paris.

Hindi ko namalayang masama na ang titig ko doon sa babae na nasa isa sa mga tables.

Lumingkis ako ng mas mahigpit sa braso niya. Nagulat naman ako ng inalis iyon ni Paris. Pero di nagtagal ay iniikot niya ang kamay sa bewang ko.

"Mas sweet tingnan pag ganto. Para na rin mapanatag ka na off-limits na ako. I don't want my girl to kill someone because of jealousy." Natatawa niyang bulong sa tenga ko.

"Talaga! Tsaka hindi lang ang mga babaeng malalandi ang mapapatay ko kapag kinalantari ka. Ikaw na rin isasama ko. Ayoko sa malandi eh." Napangisi ako pagkatapos makitang lumaki ang mata niya. Ok na rin yan para matakot siyang magloko.

"I think we need to approach mom? Let's greet her?" Ibinalaing ni Paris ang usapan. Kinabahan yata ang lolo niyo.

"I also think so." Pinigilan ko ang ngiti ko. Cute niya promise! Tapos hot pa. Tapos pogi pa. Tapos masarap. Tapos mapagmahal. At higit sa lahat, sa akin siya. Akin lang.

"Reyna! Hija!" Narinig ko ang boses ni Tita Mildred pagpasok namin sa sala. Mukhang marami siyang bisita dahil pati doon ay marami ring tao.

"Happy birthday tita. You're so gorgeous." Bati ko at nakipagbeso rito.

The Parisian Queen (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon