Chapter 35

6.7K 119 2
                                    

Win the Fight

"How's your third day students of Unibersidad de Isabela?" Umalingaw-ngaw ang tanong ng school coordinator namin, hawak niya ang isang microphone para marinig ng lahat ang sinasabi niya.

Naghiyawan ang mga kasama kong istudyante. Sa dalawang araw namin dito ay siguradong nag enjoy sila. Ako rin naman.

"As your last activity, everyone is tasked to look for your own badge." Umpisa ng nag aannounce. "Lahat ng badge niyo ay nakakalat sa buong lugar. Each badge has a name, doon niyo malalaman kung sa inyo ba iyon o hindi." Dugtong niya.

"This game has no compensation nor prize. Pero nakakahiya naman kung hindi niyo mahanap ang badge niyo diba? It will serve as your token anyway." Ani pa niya.

Nagkibit-balikat ako.

Sa hudyat ng pito ay nagsimula ng maghanap ang mga istudyanteng kasama ko.

Hinanap ko si Paris. Hindi ko siya kasama kasi we were lined according to our group colors.

Nang makita ko siya ay sakto namang napatingin siya sa akin. Kumaway siya kaya ngumiti ako.

"Go find." Senyas ko. Baka lumandi ang loko e.

Ilang minuto pa ang nakalipas ng nag-uumpisa na naming ma-realize na mahirap nga itong pinapagawa nila sa amin. Halos lahat ay nasa mapuno at matarik ng part ng area.

May nahahanap man akong badge ay hindi naman sa akin.

"Nasan na yung punyetang badge na yan." Nagulat ako nang may nagsalita sa tabi ko.

Kasalukuyan akong naghahanap sa mga halaman.

"Calm down Kate. Mahahanap mo rin yan." Pagpapalakas ko sa loob niya.

May nakita uli akong badge pero hindi ko pangalan yung nakalagay. Gosh. Yung feeling na akala mo sayo, pero pag-mamay-ari pala ng iba. Charot.

"Doon nga ako. Naghanap na yata ako dito kanina." Palatak uli ni Kate bago ako iwan.

Nagkibit balikat ako at nagtuloy-tuloy sa paghahanap ng punyetang badge.

Dahil sa paghahanap ay hindi ko namalayang napalayo na pala ako. Hindi naman ako nabahala dahil within the vicinity of the area parin naman ang kinaroroonan ko.

Umikot ang tingin ko sa paligid. Matatayog ang mga pine trees na humahalo ang mabangong amoy sa malamig na hangin ng Baguio City.

Namulagat ang mga mata ko ng makita ang isang kumikinang na badge dahil sa pagtama ng sikat ng araw.

Nasa sanga iyon ng puno kaya siniguro ko munang akin iyon. Ayokong mag effort sa bagay na akala ko ay akin lang. Charr.

Tinitigan ko iyon at nakita ko ang pangalan ko. Yes!

Inikot ko ang paningin ko para maghanap ng panungkit.

"Gotcha!" Sigaw ko ng mahulog ang badge. Pinulot ko iyon at inilagay sa bulsa.

Tumalikod ako at nag-umpisa ng maglakad para bumalik doon sa field.

The Parisian Queen (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon