Chapter 5

10K 241 10
                                    

Unibersidad de Isabela

"Reyna! Apo! Gumising ka na! Diba enrollment niyo ngayon?" Nagising ako sa malakas na katok ni lola sa pinto. I look at my alarm clock and it's still 5 in the morning. Seriously?

"Reyna! Mahaba ang pila doon. Bumangon ka na!" Ulit niyang katok.

Inaantok naman akong sumagot sa kanya. "Yes la! I'm getting up."

"O sige, I'll wait for you in the kitchen." Huling sabi nito bago ko narinig ang mga yabag niya palayo sa pintuan.

Dumiretso naman na agad ako sa bathroom para maligo. I opened the shower and was shocked when I feel the freezing water on my skin. What the hell! Bakit ang lamig ng tubig? Ganto ba talaga dito? Mukhang wala akong choice kung hindi ang sanayin ang katawan ko. Wala na rin akong ibang nagawa kung hindi ang tiisin iyon.

Pagkatapos kong mag prepare ay bumaba na ako sa kitchen. Naabutan ko doon si Levi. Hindi niya ako pinansin kahit alam ko namang nakita niya ako sa peripheral vision niya.

"Kumain ka na muna Reyna." Nakangiting sumulpot si Lola sa likod ko. Tinawag niya yung maid para ikuha ako ng plato kaya umupo na lang ako doon sa dining table. Kaharap ko si Levi na hanggang ngayon ay hindi parin ako pinapansin. Okay, mabuti na rin yan kaysa magsungit ang bruha.

"Anong course pala ang kinukuha mo Reyna?" Umupo na rin si lola sa tabi namin.

"Business management la." Sagot ko.

"In coming fourth year? Eksakto, sabay na kayo ng pinsan mo. Levi is taking Hotel and Restaurant Management pero pwede naman kayong magsabay dahil doon din siya nag-aaral." Aniya.

Pareho kaming napatingin ni Levi sa kanya.

"No way lola! I don't want to be with her." Tugon ng bruha.

Kung ayaw mo akong kasama, mas lalong ako. Ayoko sayo.

"No need la, I can manage to go there. Meron din naman akong kasamang mag enroll." Tugon ko naman.

"Really? Sino?" Tanong ni lola sa akin.

"Si Kate po. Dyan daw siya sa tabi ng bahay nakatira." Hindi ko siguradong sabi sa kanya.

"That noisy woman, nice choice of friend." Sarkastikong bulong ni Levi sa sarili niya. Bulong nga ba talaga yun? Tumitingin ako sa kanya pero masungit niya akong tiningnan. Tinaasan ko siya ng kilay at matalim kaming nagtitigan.

"Ah si Kate? Mabuting bata yun. Mababait din ang parents niya." Naputol lamang iyon ng magsalita si lola.

"Paano mo ba nakilala ang batang yon?" Tumingin si lola sa akin. Sasagot pa lamang sana ako nang sumabat si Levi.

"Ah, baka kagabi lola. Nakita ko kasing lumabas si Reyna eh, gabing gabi na nga non eh." Aniya.

"Lumabas ka apo? Akala ko ba sa garden ka lang?" Sumeryoso ang tono ni lola sa nalaman niya.

"Yes la. Pero 9 PM palang nong lumabas ako. It was not that late. Naboboring na rin kasi ako sa garden kaya lumabas ako." Depensa ko.

"I understand but it is not safe for you to go out at night. Lalo pa at hindi mo kabisado ang lugar natin." Ani ni lola.

Tumango na lamang ako bago tumingin kay Levi na ngayon ay nakangisi sakin. Bruhilda talaga! Manang mana sa nanay.

"Need to go la. Aalis na ako para hindi ako gabihin sa pag-uwi." I notice that she gave emphasis on that 'gabihin' word.

Kung dati ay sa university ako napapaaway, ngayon ay mukhang pati dito sa bahay ay makikipag basag-ulo na rin ako. Letse tong Levi na to eh. Makakalimutan kong pinsan ko siya.

The Parisian Queen (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon