Chapter 10

8.3K 181 5
                                    

History

Natapos ang acquaintance party na hindi ko na nakikita si Paris. Umuwi kami ng sabay ni Kate at ipinaliwanag ko sa kanya ang lahat ng nangyari. Mula noong nagkita kami ni Paris sa kahuyan, noong bumalik ako sa kadahilanang umaasa akong makita uli siya roon, noong nagsinungaling ako at nagpakilala bilang Aredez, hanggang sa nalaman nga ni Paris.

"Up until now Reyna, hindi ko parin alam ang dahilan mo kung bakit mo itinago ang tunay mong pangalan sa kanya." Magkasama kami ngayon ni Kate sa sasakyan namin habang pauwi ng bahay.

"Hindi naman masama ang intensyon ko eh. I am an Arevalo and he's a Montellor. Magkaaway ang mga pamilya namin in terms of business, kaya wala akong choice kung hindi ang magtago sa ibang apelyido. Hindi ko naman iyon ginawa para sa ibang kadahilanan, dahil simula pa lamang ay wala na akong interes sa kumpanya namin." Paliwanag ko.

Nagkibit-balikat siya, "Ewan. Sana lang ay maintindihan niya iyon." Pagsuko nito.

Hindi na ako nagsalita. Tumingin ako sa dinaraanan namin. Mga naggagalawang streetlights at liwanag ng mga bahay. Kay gandang pagmasdan. Waring mga tala na kumikinang sa madilim na kalangitan.

Ang pag-iisip ko ng magandang simula ng aking buhay dito sa Isabela ay biglang nahinto, kasabay ng paghinto ng sasakyan namin sa harap ng bahay.

"Sige Reyna una na ako!" Ngumiti sa akin si Kate. "I hope you enjoyed the party!" Ngumiti rin ako sa kanya.

"I did Kate. Buti nalang nandyan ka, hindi man lang kasi kami magkasundo nung bruha kong pinsan." Biro ko. Natawa kaming dalawa dahil sa sinabi ko.

Nang makababa si Kate ay ipinasok na ng driver ang kotse sa garahe ng bahay. Bumaba ako at agad na pumasok sa loob.

Ikinalat ko ang paningin ko at nakita kong wala na ngang taong gising dito sa bahay. I look at my watch and it's already 1 AM. Hindi na ako nag abalang gisingin pa si lola, agad na akong umakyat sa kwarto para magpahinga.

Nagising ako sa malakas na ingay na ginawa ng alarm clock sa table na katabi ng bed ko. Simula noong nag umpisa ang classes namin sa unibersidad ay gumagamit na ako ng alarm clock na hindi ko dati ginagawa noong nasa Manila ako. Hindi pa kasi ako naka pag adjust sa takbo ng pamumuhay dito. Sobrang aga ang pagsisimula ng araw nila.

As I used to do, I made my morning routines before going downwards. Pagkababa ko ay nakita ko si Lola Maura habang papunta sa garden. Hinabol ko siya only to find out na umuulan pala sa labas.

"Oh Reyna. Ang aga mo namang nagising hindi ka ba napuyat kabagi? Tsaka sabado ngayon, pwede kang magpahinga maghapon." Tanong sa akin ni lola nang makita niya ako.

"Ok na ang 7 hours na tulog ko la." Ani ko. "By the way, san kayo pupunta?" Tanong ko kahit na halata namang magzuzumba siya dahil sa suot nito.

"Mag e-exercise sana ako sa garden apo, kaso umuulan naman pala." Pagsasaad nito. Tumango ako at tumingin sa labas. Umuulan pero hindi ganon kalakasan, kaya siguro hindi napansin ni lola, at maging ako na rin. "Siguro ay dito nalang ako sa sala mag zuzumba."

"Talagang walang makakapigil sa inyo la." Pagbibiro ko.

Natawa siya ng kaunti. "Oo naman apo. Mahirap na kapag napapabayaan ang katawan, lalo na ngayon at tumatanda na ang lola mo." Sagot niya sa akin. "Siguro naman ay pwede mo na akong samahan ngayon, noong huli kitang niyaya ay hindi ka pumayag." Ani lola.

"Sige la, wala naman akong gagawin. Para sabay na rin tayong maging sexy." Pagbibiro ko uli.

Umakyat ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Pagbaba ko uli sa sala ay nagple-play na ang music ni lola habang siya ay kumukumpas-kumpas na sa saliw ng tugtog.

The Parisian Queen (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon