Another Sacrifice?
"Hahaha! Baliw talaga yung lalaking yon!" Abot langit ang tawa ko habang binubuklat at tinitingnan isa-isa ang mga picture namin ni Paris kahapon sa Estagno.
Trying hard mag pa cute at mag wacky ang ungas pero ang pogi naman sa lahat ng picture.
"Reyna! Reyna!"
Bigla akong napabalikwas sa kama nang marinig ang nagdadaras at kinabahang boses ni Lola. Pumasok siya sa pinto ng kwarto ko. Hindi na siya kumatok pa, na di niya karaniwang ginagawa.
"Reyna. Have you heard what happened to your dad?"
Umiling ako. Medyo kinabahan na rin ako. "Hindi pa la. Ano po bang nangyari?"
"Isinugod daw siya sa hospital."
"What? Why? Bakit daw po?"
"I haven't heard much details from Olivia. Basta ang alam ko, isinugod siya sa ospital. Better if you call your mom or si Clode."
Tumango ako at agad na idinial ang number ni Kuya.
Matagal rin bago niya iyon sinagot.
"Kuya. What happened?" Agad kong tinanong.
"We rush dad to the hospital. He suddenly collapsed in his office. Mabuti at nandoon si mommy." Aniya. Medyo hinihingal siya.
"Then how is he? Ok na ba si daddy?"
"He's still in the emergency room. I'll give you update later. Just calm down little sister."
"No kuya. I can't calm down. B-byahe ako this afternoon. I want to see dad."
"Ok. Pero wag mo ng pasamahin si Lola Maura. She's old. Baka mamaya ay siya naman ang magkasakit dahil sa stress dito."
"Ok sige, kuya." Ibinaba ko na ang phone ko.
"What happened Reyna?" Agad rin namang tanong ni Lola Maura pagkababa ko ng tawag.
"Isinugod daw si daddy sa hospital. He's currently in the ER. Don't worry nandoon na sina mom at kuya Clode."
Pagpapagaan ko sa damdamin ni Lola.
"Lola. Aalis ho ako mamayang hapon. Luluwas ako pa Manila."
"Sasama ako Reyna." Saad ni lola.
Lumapit ako sa kanya. "Hindi na po lola. Malayo ang byahe, baka mapagod kayo. Don't worry, I'll give you update on dad's condition once I arrived there."
Tumango siya sa akin. "Sige apo. Pack your things already. Sabihan ko na yung driver para mai-condition niya yung sasakyan."
Tumango ako.
As planned, lumuwas nga ako pa-Manila sa hapon ding iyon. Dad always gave me heartaches over the years but he's still my dad. I can't be here without him.
Nasa 12 hours ang byahe namin so I arrived at the hospital at 6 in the morning of the following day.
"Excuse me. May I know the room of my dad? Armando Arevalo." Tanong ko sa nurses station.
"He's in the ICU maam. This way po, 1st room in right."
Tumango ako at nag thank you. Agad na rin naman akong naglakad papunta doon.
"Kuya." Nasambit ko nang makita si Kuya Clode na naka-upo sa harap ng ICU.
"Reyna? Kararating mo lang ba?"
BINABASA MO ANG
The Parisian Queen (Complete)
RomanceMontellor Cousins Series Paris and Helen were two of the most iconic and remarkable names in Ancient Mythology. Their love for each other were so strong, undefitable, and historic. But it is also the love that brought forth war and hostilities betwe...