Chapter 15

8.1K 178 5
                                    

Stares

"Hoy lalaki! San ba dito ang papunta sa lodge niyo?" Bigla akong napahinto sa pintuan nang hindi ko makita kung saan ang mga kasama ko, ang alam ko lang ay dito sila sa likod dumaan.

Ngumisi siya. "Hulaan mo."

"Anong akala mo sa 'kin? Compass? Nang-iinsulto ka ba?"

"Ang ingay mo talaga." Aniya sabay hila sa aking kamay. Bat ba ang hilig niyang manghila na lang basta?

"Hoy Paris! Bitawan mo nga ako." Bulyaw ko pero mas lalo lamang niyang hinigpitan iyon. Ang mga kamay niyang nakahawak sa aking kamay ay nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam.

"Pst. Ano yan?" Nakangising tanong ni Kate ng makita namin siya, nadako ang mga tingin niya sa kamay ko na hanggang ngayon ay hawak parin ni Paris.

Agad ko iyong inalis para wala ng iba pang makakita. Bwiset kasi si Paris e.

"Oy! Kayong dalawa. San kayo galing ha?" Nang-iintrigang tanong naman sa amin ni Loel. Napatingin rin tuloy sa amin ang ibang team mates namin na ngayon ay trinatrabaho na ang mga gagamitin namin sa show.

"Nagpatulong kasi si Paris na iprepare yung meryenda." Ako na ang sumagot dahil baka mas lalong mabigyan ng malisya pag itong si Paris ang nagsalita.

"Nako brad! Iba galawan natin, mabilis!" Tukso nina Adam at Klein.

"Mga gago." Mura ni Paris sa aking tabi. "Eh iniwan niyo ako doon kanina... kayo nga dapat na tatlo ang dapat na tumulong sa 'kin." Palusot naman ng gago. Mabuti na lamang at umaayuda yan ngayon sa akin.

"I think kailangan na nating mag practice Reyna. Naka pag start naman na sa designs ng damit kaya pwede na tayong mag focus muna tayo sa runway walks." Biglang singit ni Janine sa usapan namin.

Nangunot ang noo ko dahil parang naiinis ang tono nito...

... pero di nagtagal ay ngumiti rin siya. Siguro ay inaasahan lang niyang kasama kaming magli-lead ng team dahil pare-pareho kaming in-assign na leaders.

"A-ah. Okay. I-start muna natin sa girls." Sagot ko.

Agad namang ibinaba ng mga girls ang hawak nilang mga tela at lumapit sa akin. Pinaglinya ko silang pito sa harapan ko.

"Siguro ay tingnan muna natin ang mga lakad niyo." Saad ko. Pinaglakad ko sila isa-isa at masasabi kong kailangan nga muna namin ng practice. Halatang hindi sanay ang mga kasama ko sa paglalakad sa runway.

"Baka kung pwede ay ipakita mo sa amin kung paano Reyna. Para may panggayahan kami." Suhestiyon ng isa naming team mate na agad namang sinuportahan ng ibang girls. Tumango ako at ibinigay na lamang ang gusto nila. Mukha ngang kailangan din nila iyon.

Ilang minuto pa ay mukhang natututo na sila dahil maayos na ang paglalakad ng mga ito. Natuto na silang maglakad ng diretso ng wala sa sahig ang tingin.

"So let's just imagine that this will be our stage..." Pag-uumpisa ko. Mabuti na lamang talaga at malawak itong lodge nila Paris. Saktong-sakto na maging runway para sa practice.

"I planned na isang straight wide ramp ang gagamitin nating runway. Kung nakakapanood kayo ng fashion shows, kagaya lang ito ng mga ordinary runways." Pag-uumpisa ko ng mapagdesisyonan kong lagyan na ng kunwaring runway ang lalakaran nila.

"Please walk backwards... " Utos ko.

"... From the back, walk towards the front of the runway. Kapag nakarating na sa pinakaharap iyong una, mag ready na yung susunod doon sa likod. Kapag pabalik na yung nasa harapan, mag start na ring maglakad yung susunod. Ibig sabihin ay magkakasalubong kayo sa gitna ng runway. Just remember that if you reached the end of the run way, just make a simple pose and off to go. Nakuha niyo ba?" Tanong ko.

The Parisian Queen (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon