Savior
Kasalukuyan kong isinusuot ang neck tie ng uniform ko ng bigla kong maalala si Kate. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan siya. Tatlong beses nag ring ang phone niya bago niya ito sinagot. "Oh hi Reyna." Sobrang taas ng energy niya ha. Mas mataas pa sa ceiling namin.
"Hi Kate. Sabay nalang tayong pumasok. Sa car niyo nalang ako makikisakay." Saad ko rito.
"Mhh. Ok." Maikli nitong tugon sa akin. Ilang minuto pa ay bumaba na ako. Nakita ko naman si lola doon sa sala hawak ang isang tasa ng kape.
"Good morning la." Bati ko bago humalik sa kanya. Ganon din naman ang isinagot niya sa akin.
"Good morning apo. Kumain ka na ba?" Tanong nito sa akin. Nagpunta ako sa kitchen at kumuha ng dalawang slice ng loaf bread, nilagyan ko iyon ng bacon, lettuce, tomato at cheese.
"Ok na ako dito la." Sagot ko pagbalik ko sa sala. Agad na rin naman akong nagtungo sa pinto.
"Hindi ka ba sasabay kay Levi, Reyna?"
"Hindi na la, kay Kate nalang ako sasabay. Bye po!" Ani ko. Inihatid pa ako ng isang maid papunta sa bahay nila Kate dahil umuulan parin.
"Anong meron at sumabay ka sa 'kin ngayon Reyna? Ayaw mo na bang kasabay yung bruha mong pinsan?" Pangungutya sa akin ni Kate habang nasa byahe kami papasok ng unibersidad.
"Nakaka bad vibes ang babaeng 'yon Kate. Nakakasira ng araw." Gatong ko naman sa sinabi niya. Nagtawanan kaming pareho sa mga kwento namin tungkol kay Levi, pero nagiging seryoso iyon nang mapasok sa usapan ang nangyari sa amin ni Paris sa acquaintance party.
Ipinasok ng driver ang sasakyan nila Kate sa loob ng Unibersidad. Mula noong sabado hanggang ngayon ay patuloy parin ang pag-ulan, mabuti na lamang at mahina ang ulan ngayong umaga, hindi tulad nung sabado at kahapon na sobrang lakas.
Nasabi nga sa akin ni Kate na baka kapag nagpatuloy pa ito ay baka magkaroon na ng baha sa ibang parte ng harapan nitong Unibersidad. Flood-prone daw kasi ang ibang part ng Unibersidad, lalo na sa may harapan nito.
"Nakakainis naman tong ulan na to. Ang hassle!" Reklamo ni Kate. Ako man ay ramdam ko siya. Ang hassle pumasok pag ganto. " By the way, Mythology ang first subject natin ngayon diba?" Tanong ni Kate habang naglalakad kami papunta sa room. Tumango ako sa kanya at ipinagpatuloy ang paglalakad.
Ewan ko ba dito kay Kate ilang linggo na simula noong nagsimula ang sem na to, pero hanggang ngayon ay hindi parin kabisado ang schedule namin.
Naglalakad kami pataas ng hagdan ng marinig namin ang usapan ng dalawang babae sa likod namin, siguro ay sa taas din ng buiding ang room nila.
"Hindi ba siya yung ka date ni Paris nung acquaintance party?" Tanong nung isang babae. Kakaiba ang tono ng pagtatanong niya. Mukhang kadugo ito ni Levi.
"Oo yata." Hindi siguradong sagot sa kanya nung kasama niya. "Siya rin yung pinili ni Paris na partner niya sa faces of the night."
"Eh ano naman? Mukhang hindi naman nag enjoy si Paris na makasama yan eh, hindi ko na nga sila nakitang magkasama pagkatapos nung sayaw nila."
"Siguro ay scripted yung nangyari. May kapit siguro itong si girl sa mga faculty." Pagkatapos non ay sabay na nagtawanan yung dalawa.
"Pigilan mo ko Reyna, kakalbuhin ko tong dalawang to." Bulong ni Kate sa tabi ko. Nasa tabi ko siya kaya paniguradong naririnig rin niya ang pinag-uusapan nung dalawang babae.
"Hayaan mo na Kate. Say whatever they want." Pagpapakalma ko kay Kate at sa sarili ko na rin.
"Pero kahit na ganun, papayag ka na lang bang malamangan ka niya kay Paris?" Narinig kong hamon nung isa.
BINABASA MO ANG
The Parisian Queen (Complete)
RomanceMontellor Cousins Series Paris and Helen were two of the most iconic and remarkable names in Ancient Mythology. Their love for each other were so strong, undefitable, and historic. But it is also the love that brought forth war and hostilities betwe...