Dance
"Good evening UDI Alumni! Are you having fun?" Tanong ng host sa pagpapatuloy ng program.
Naghiyawan ang mga nandito. Nag start na ang program kaninang mga 6 PM. Tiningnan ko ang watch ko at 7 PM na.
"Definitely one of the the objectives of an alumni homecoming like this is to reminisce all our good memories as students. So we prepared this part of the program to feel again the sweet feels during a JS Promenade and Acquaintance Parties."
Nangiti ang lahat ng tao dito sa hall. Mukhang na-miss nga nila ang mga sweet moments during JS prom.
"But it'll definitely not as simple as what you think. Coz we made a little twist." Dugtong nung host.
Aba! Ayoko sa mga twist-twist na yan e. Tingnan niyo buhay ko. Nagkatwist, pinadala ako dito sa Isabela, ayun na-inlove, at ngayon nasaktan.
"We have prepared here a wall with five small holes." Anunsyo nung host.
Nagulat kami ng biglang may lumabas na mga kamay sa mga yun. Isang kamay bawat isang butas. Pero tanging kamay lang ang nakikita namin. Hindi namin alam kung sinong may-ari.
"Kung nakikita niyo, may limang kamay dito. Limang kamay ng lalaking hindi niyo kilala. Now, we'll pick 5 girls from the crowd."
Namulagat ako nang ako ang isang tinawag ng mga usherettes. Eto na naman tayo sa mga twist. Nyeta.
Tumingin ako sa mga kasama ko at nakita kong wala si Paris doon. What? Don't tell me? Bakit hindi ko siya nakitang umalis?
Com'on destiny. Don't play with me again.
"Ayan kumpleto na ang mga girls. Ngayon, its time for you to pick your partners."
Inisip ko ang mga memories ko with Paris. Napailing ako ng maisip uli mga iyon.
Inalala ko yung dating kami kasi aalahanin ko yung itsura ng kamay niya. There is no way para makasayaw ko siya. Tama na yung makipag-usap sa kanya pero di na maganda ang makasayaw ko siya uli.
Maputi at makinis ang kamay ng ungas. Tapos malinis yung kuko.
Hinanap ko yung dalawang pinaka-maputing kamay. Hindi ko kayo pipiliin. No way! Nasa inyong dalawa si Paris.
Tatlo nalang ang pagpipilian ko. Kinuha ko na yung pinakamaitim. Di bale na. Wag lang si Paris ang mapili ko.
Hinawakan ko iyon.
Nang makapili kaming limang babae ay nagbilang na yung host.
Tingin ko ay lalabas dito sa wall yung mga boys. Gawa lang naman kasi ito sa manipis na papel. Pero syempre di parin nakikita yung nasa likod.
Isa. Dalawa. Tatlo!
Ganun nga ang nangyari. Lumabas nga doon yung mga lalaki.
PERO PUNYETANG TADHANA NA NAMAN! BAKIT KO HAWAK ANG KAMAY NG LALAKING KANINA KO PA INIIWASAN? BAKIT HAWAK KO ANG PUNYETANG PARIS?!
"Surprise!" Bulong niya habang nakangisi. Punyetang buhay nga naman oh.
Ibinaba ko yung tingin ko. Pinagkumpara ko yung kamay niyang hawak ko at yung sa kabila. Nagtaka ako dahil magkaiba ang kulay ng mga iyon.
"Pinalagyan ko ng concealer yang kanang kamay ko kanina. Umitim ba?" Humagikgik siya.
Pinalo ko ang likod ng ulo niya. Alam kong kita iyon ng mga nanonood pero wala kong pake. Punyetang to. Pinaghandaan talaga.
BINABASA MO ANG
The Parisian Queen (Complete)
RomanceMontellor Cousins Series Paris and Helen were two of the most iconic and remarkable names in Ancient Mythology. Their love for each other were so strong, undefitable, and historic. But it is also the love that brought forth war and hostilities betwe...