Retreat
"Oy Paris! Maingay ka!" Buryong na puna ni Kate sa lalaking katabi ko.
Tumawa ako ng mahina ng makitang inismiran nito si Kate. Minsan napapatanong ako kung lalaki ba talaga tong si Paris, pati kasi babae pinapatulan.
Ngayon ang final exams namin at naitaon pang puro major subects ang naka-schedule, kaya sobra nalang ang review nila.
Nandito kami ngayon sa SC office para magreview pero itong hot kong katabi, sundot ng sundot at puro ang kulit sa akin.
"Yan kasi!" Gatong ko.
Umikot lang naman ang mata niya sa akin. "Bakit hindi ka nagrereview?"
Tumaas ang kilay ko. "Bakit ikaw?" Balik ko.
"I don't need to review. You are the answer to all my questions." Umismid siya. "Now, ikaw, bakit hindi ka nag rereview?"
"I don't need to review." Panggagaya ko sa linya niya. Naghihintay siya ng kadugtong pero wala akong balak gayahin ang kadugtong nun.
"Sana man lang ibinalik mo sa akin yung ginawa kong pagpapakilig sa'yo." Umikot uli ang mata niya.
Sarkastiko akong ngumiti sa kanya. "Wala namang nakakakilig sa sinabi mo kanina."
"Talaga lang ha? Namula ka nga kanina." Tukso nito.
Kinapa ko ang pisngi ko. "Hindi ah. Mainit lang dito sa office mo." Palusot ko.
Umusod siya sandali at may anong kinukuha sa drawer sa tabi niya. Itinaas niya ang isang remote control at itinapat iyon sa air conditioner.
Tumaas ang labi niya ng mapatunayang naka full ang lamig nito. "Mainit ba talaga?" Aniya.
Hindi na ako nakasagot kaya pinalo ko na lamang ang dibdib nito.
"Iss. Iingay niyo. Ka corny pa." Tumawa ako. Hindi ko alam kung anong nakain ni Kate ngayon. "Makapunta nga sa library." Dugtong niya at dirediretso nang lumabas ng pintuan.
"Anyare dun?" Pumasok sina Loel, Klein at Adam. Siguro ay nakasalubong nila.
"Sht. Ngayon ba exams natin?" Pare-pareho kaming napanga-nga sa sinabi ni Loel.
"Halatang wala kang pakialam kung bumagsak ka o hindi ano?" Pambara ni Klein sa kanya.
"Ulul. Basic lang naman mga exams natin. Easy." Pagyayabang nito sabay upo sa sofa na nasa harapan namin.
"Umalis alis ka nga sa harapan ko Loel. Nakakasira ka ng araw." Sabi ko nalang para mabawasan naman ang kahanginan niya.
"Eh di dyan ka sa tabi mo humarap." Sagot niya.
Nagulat ako ng hinawakan ni Paris ang baba ko at iniharap ang tingin ko sa kanya. Napatitig ko sa mukha niya.
"Yan. Buo na ang araw mo." Aniya.
Napakurap ako ng mabagal at ilang beses.
"Ayun naman! Iba si lover boy. Ahoo-ahoo!" Nagising na lamang ako nang nagkantyawan ang mga kaibigan niya. Akala mo mga aso.
"Hoy! Kayong tatlo! Alis nga! Mga istorbo! Nagrereview kami!" Taboy ko.
"Kaya pala wala kayong hawak na module." Sarkastikong sabi ni Klein. Tumawa lang naman si Adam sabay hila kanila Klein at Loel.
"Akala ko ba hindi mo na kailangang mag review?" Tanong ni Paris nang kaming dalawa na lamang ang narito sa SC office.
"Hindi na nga." Ayuda ko naman.
BINABASA MO ANG
The Parisian Queen (Complete)
RomanceMontellor Cousins Series Paris and Helen were two of the most iconic and remarkable names in Ancient Mythology. Their love for each other were so strong, undefitable, and historic. But it is also the love that brought forth war and hostilities betwe...