Nagsusumamo at Nakikiusap
"King. Are you on your way?" Tanong ko kay King sa telepono.
"Yes." Aniya.
"Bilisan mo, habang nandito pa si daddy. Para makita niya tayo."
"Nakakabaliw tong pinag gagagawa natin Reyna."
"Thanks King. Kalma ka lang." Biro ko.
"O sige na. Nag d-drive ako." Sabi niya. Pinatay ko na rin naman ang tawag.
Sa loob ng mahigit isang linggo, bukod sa trabaho ay kunwaring pakikipag date kay King ang ginagawa ko sa buhay.
Bigla akong naging malungkot ng maalala si Paris. Mula noong dinner namin nila King ay hindi ko na sinasagot ang tawag niya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang mga nangyayari.
Pero kahit na hindi ko sinasagot ay walang palya parin ang pagtawag niya sa akin. Naiiyak na rin ako kapag nakikita ko ang pangalan niya sa screen ng cellphone ko. Gusto kong sagutin na parang ayoko. Miss na miss ko na siya.
Huminga ako ng malalim at kinalma ang nararamdaman ko. Kinuha ko ang bag ko at bumaba na. Naabutan ko pa si daddy sa sala habang nagbabasa ng dyaryo at nagkakape.
"Where are you going Reyna?" Tanong nito.
"Ahm, I am going out with King dad. Nagpasama ako sa kanya na mag shopping."
Ngumiti si daddy. "Mabuti yan ... By the way, what's the status of your relationship?"
Napabuntong-hininga ako ng marinig iyon. Iyon lang ang importante para sa kanya.
"We are taking it slowly dad."
Tumango siya. "Ok. But be sure na may patutunguhan yan Reyna. Kilala ko ang dad ni King and I am sure that King is a good man. They have my trust."
Gusto ko ng sumagot sa pagkakataong ito pero inisip ko ang pwedeng maging consequences ng gagawin ko, kaya pinigilan ko na lamang ang bunganga ko sa pagsasalita.
"Don't worry dad. I won't disappoint you." Nasabi ko na lang. "Aalis na ako dad. King is already on his way." Humalik ako sa pisngi nito at lumabas na ng pintuan.
Napabuga ako ng malalim na hininga pagkasakay ko sa kotse ni King.
Narinig ko ang pagtawa niya. "Ano nangyari? Ano ang feeling na makalabas ka sa hellhole mo?"
Inirapan ko siya. "Tss. Kung alam ko lang baka nag-eenjoy ka nang maka date ako."
"Are you kidding? Baka gusto mo na ako ang magsabi mismo sa daddy mo na nagkabalikan na kayo nung si Paris. Para matapos na rin tong pagpapanggap natin?"
Lumaki ang mata ko. "Joke lang King. Eto naman di na mabiro." Biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha ko.
"So? Saan mo na naman balak magpunta ngayon?"
"Parang gusto kong mag shopping." Sabi ko. Shopping is one of my stress relievers. Nakakalimutan ko ang lahat ng problema ko tuwing nag sho-shopping ako.
BINABASA MO ANG
The Parisian Queen (Complete)
عاطفيةMontellor Cousins Series Paris and Helen were two of the most iconic and remarkable names in Ancient Mythology. Their love for each other were so strong, undefitable, and historic. But it is also the love that brought forth war and hostilities betwe...