Punishment
"What is this again Reyna Helen Arevalo?" Daddy asked me when I got home from school. Pagpasok ko pa lamang ng pinto ay agad na akong sinalubong ng inis na inis na mukha ni Dad. May hawak hawak itong papel na sa tingin ko ay letter galing sa university. Ngumisi ako, ang bilis naman yata nilang mag take ng action ngayon?
Pumasok ako at nilampasan sila. Umupo ako sa sofa bago pabalibag na ibinagsak ang bag ko. "Why you not read it dad, nakalagay naman siguro dyan sa sulat kung anong ginawa ko." sagot ko rito. Nakakapagod ng utak ang araw na to tapos mga galit pa ang isasalubong ng parents ko sa akin.
"Huwag mo akong pinipilosopo Reyna." Tumaas ang boses ni Dad dahil sa sagot ko.
Inismiran ko siya. "What?! Paniniwalaan niyo ba ako kung sasabihin kong hindi ako ang nagsimula sa away na yon?! Diba hindi naman? I always say that I just need to defend myself from all those freaking creatures! Pero anong ginagawa niyo? Isinasara niyo ang mga tenga niyo sa mga paliwanag ko!"
"Don't you ever raise your voice when talking to me Reyna. You're just my daughter." Unti-unti kong nararamdaman ang galit mula sa boses niya. Nasa tabi naman niya si mommy upang pakalmahin siya.
Napatayo ako sa narinig ko. "Yes dad. I am your daughter. I am ... just your daughter. At alam niyo kung gaano ko isinusuka na naging anak niyo ako!" Hindi ko na mapigilan ang aking sarili kaya tumaas na rin ang boses ko at makapagsalita ng walang moral.
Nakita ko ang pagliyab ng galit mula sa mukha ni daddy. Akma niya akong sasampalin pero pinigilan siya ng mga kamay ni mommy.
"Ano dad? You want to slap me? Go on!" Panghahamon ko kay Daddy.
"Reyna! Learn how to respect us. We're still your parents." Ngayon ay si mommy naman ang nagsalita. Kumalma ako bago tumingin sa kanya. I love my mom, she's a good mother and wife for dad. Pero yun din ang nagiging dahilan kung bakit pati siya ay nakakasamaan ko ng loob, masyado siyang nagpapasakop sa mga sinasabi ni daddy.
"Yun na nga mommy eh. Hindi lang kayo ang may kailangan ng respeto. I also need it. Sa halip na pakinggan niyo ang paliwanag ko, hinusgahan niyo ako agad. You were always jumping into conclusions. You're always judging me with the troubles I made in the past."
"Hindi mo kami masisisi kasi simula noong pumasok ka ng college ay puro gulo na ang pinasok mo. Hindi na nga namin mabilang kung ilang beses na kaming pinadalhan ng letter at pinapapunta ng guidance councelor sa university niyo." Si daddy ang sumagot sa akin.
"We just want the good, the best for you, Reyna. Bali-baliktarin man natin ang mundo, mali parin yung ginawa mo." Ngayon ay si mommy naman ang nagsalita. Rinding-rindi na ako sa mga sinasabi nila. Pinulot ko ang bag ko sa sofa at tumayo. Tinalikuran ko sila at akma ng maglalakad pataas ng hagdan nang marinig ko ang sigaw ni daddy.
"Don't you ever turn your back at us, Reyna!" Hindi ko iyon pinansin at dire-diretso akong naglakad pataas sa kwarto ko. Pumasok ako roon at kinuha yung isa kong bag. Siguro ay aalis muna ako rito. I need to free myself from all my frustrations. Gusto ko munang kumawala sa lahat ng stress na idinudulot sa akin ng bahay na to at ng parents ko.
Ewan ko kung saan ako pupunta, pwede kay Gabby dahil kilala naman ako ng parents niya, o kaya mag check in nalang muna ako sa hotel pansamantala. Gusto ko lang talagang lumayo rito. Hindi ako makahinga dito sa bahay. This house is like a hell hole for me. A hell hole that nothing to do but to sofocate me with all the cause of my frustrations.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko kasabay ng pagpasok ni daddy, kasunod niya si mommy na may bakas ng labis na pag-aalala sa mukha. "What are you doing Reyna?" Mom asked me. Labis labis na takot at pag-aalala ang nakikita ko sa mga mata niya pero hindi ko iyon pinansin. Sorry mom.
BINABASA MO ANG
The Parisian Queen (Complete)
RomanceMontellor Cousins Series Paris and Helen were two of the most iconic and remarkable names in Ancient Mythology. Their love for each other were so strong, undefitable, and historic. But it is also the love that brought forth war and hostilities betwe...