Chapter 46

7.8K 148 8
                                    

The Place Where It All Began

"P-paris? Anong ginagawa mo rito?"

Hindi niya ako sinagot. Pumasok siya sa kotse ko at umupo sa shotgun seat.

"Pwede ba Paris. Hindi ako nakikipagbiruan sayo. So if you please, get out of the car."

Nagulat ako ng umiling siya. "Ako ang mag d-drive."

Nahulog ang panga ko. Anong akala niya sakin? Uto-uto? "Ano bang gusto mong mangyari ha? Gusto ko ng umuwi. Kaya kung pwede, tantanan mo ako."

"Ako ang mag d-drive o ako ang mag d-drive?"

Napabuga ako ng malalim. "Gago. Hindi mo ako mauuto. Umalis ka na!"

Natuwa na ako nang bumaba siya ng sasakyan kaso umikot lang naman siya at ang pintuan ng driver's seat naman ang binuksan niya.

"Ano ba kasi ang kailangan mo?" Sumigaw na ako. Hindi ko na mapigilan ang inis sa kanya.

Pero mas lalo lamang iyong lumala nang bigla siyang kumandong sakin.

"What the hell!" Reklamo ko. Wala akong choice kung hindi ang lumipat ng upuan sa shotgun seat.

Napangisi siya sabay hawak sa manubela.

"Alam mo, gago ka parin hanggang ngayon."

Nakangisi parin siyang tumango sakin. "Alam ko. At sa sobrang gago ko, gusto kong mahalin parin ako ng isang babaeng sobrang nasaktan ko noon, kasi nga gago ako."

Nahulog ang panga ko nang marinig ang sinabi niya. Bigla akong natorete.

Nagising ako mula sa pagkakatulala nang bigla niyang pinaandar yung kotse.

"Ayoko na." Pabulong kong sinabi iyon pero hindi ko inaasahang maririnig niya pala.

"Ayaw mo na ang alin?"

"Ayoko na sayo, ayoko na ng lahat tungkol sayo." Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng luha ko.

Hindi siya nakapagsalita. Inihinto niya ang kotse sa tabi ng daan.

Sinubukan niyang punasan ang mga luha sa pisngi ko pero hindi niya iyon itinuloy. Wala siya nagawa kung hindi ang tumitig sa malawak na kalsada na kung di dahil sa mga ilaw ng street lights ay wala nang kabuhay-buhay dahil bihira ang dumadaang sasakyan.

"Gusto ko ng kalimutan ka. Tayo. At lahat ng ala-alang binigay mo sakin. Pero hindi ko alam. Hindi ko maintindihan kung bakit mo ginagawa ang lahat ng ito sakin ngayon?"

Tumingin siya sakin.

"Ano ba ang ginagawa ko sayo?" Tanong niya.

"Gago ka! Isa kang malaking gago! Pinaglalaruan mo ako! At ang tanga-tanga ng puso ko dahil hinahayaan niyang paglaruan mo siya uli."

Lalong lumalala ang pag-agos ng luha ko. Pero iba ang ibinigay niyong pakiramdam kay Paris. Napangiti pa siya.

"Tingnan mo! Gago ka! Umiiyak na ako dito pero ngumingiti ka parin! Gago ka! Hindi mo man lang punasan tong luha ko. Wala kang silbi." Patuloy parin ang hagulgol ko.

Hindi naalis ang ngiti sa labi niya. Pero mas nagulat ako nang bigla siyang lumapit at hinalikan ang gilid ng aking mata.

Biglang gumuho ang lahat ng pader. Biglang natunaw lahat ng yelo sa puso ko dahil sa init ng dampi ng mga labi niya. Ang gaan sa pakiramdam.

"Hindi ako dapat mag e-expect pero gusto kong gawin. Hindi ko alam kung anong ibig mong sabihin pero ramdam kong malapit na, malapit na kitang makuha uli."

The Parisian Queen (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon