Bakod
"Japanese."
"Italian."
"Japanese nga."
"Italian nga."
"Hoy!"
Hindi ko alam kung paano ko pakakalmahin si Paris at Kuya Clode. Kanina pa kami namimili kung sa Italian o Japanese Restaurant kami kakain.
"Ano ba!! Tumigil nga kayo. Sa Italian Restau nalang para makakain na tayo."
I decided. Eh kami naman ang naiipit sa bangayan nila. Ang buong akala talaga ni Paris ay hindi ko kapatid si Kuya Clode.
"I won." Ngumiti si Kuya kaya ang sama ng tingin sa akin ni Paris.
Iniwan ko na sila doon at pumasok na. Tinawag ko na rin sina Kate, Adam, Klien, at Loel. Pati kasi sila ay nadadamay sa trip nina Kuya at Paris.
"Hello, Ma'am, Sir. Welcome to Italiano Oliver. Here are your menus." Lumapit ang isang waitress at inabutan kami ng tag-iisang menu.
"Free-Range Millanese. Kayo brad?" Tanong ni Loel kanila Klein at Adam.
"Ganun din sa amin. Just add Funky Chips and 2 mojito. Gutom na kami." Sagot naman ng dalawa.
"How about you maam?"
"Ah. Sausage Ravioli and Florence Fizz." Sagot ni Kate sa waitress.
Tumingin ako sa menu. Ano bang kakainin ko?
"How about you Reyna. What's your order?" Paris asked.
"Hindi ako makapili. Any suggestion?"
"Yan. Wala kang mapili ngayon. Isa-isa lang kasi, bigay mo na sakin yung pangalawa." Ayan! Pati si Kate ay napaniwala ni kuya. Baliw kasi.
"Whatever Kate. Kung alam mo lang..." sabi ko sabay tawa.
"I think you should try Tender Roasted Aubergine. It is amazing." Nawala ang atensyon ko ng magsalita si Paris sa tabi ko. Itinuro niya ang isang pagkain sa hawak na menu.
"No. You should try this one, Reyna. Sicilian Chicken." Malapit ko ng sabihin sa mga kasama ko na kapatid ko si Kuya Clode. Paano naman kasi, asar na asar na si Paris sa kanya. Ang buong akala naman kasi ni Paris at ng mga kasama ko ay kaibigan ko lang talaga siya.
"No. I Aubergine is better." Entrada ni Paris.
"Mas masarap tong Sicilian Chicken." Agaw naman ni kuya sa eksena!
"I grew in Italy so I assure you that it this won't disappoint you. This is amazingly delicious." Ngumisi pa si Paris kay Kuya Clode at ibinalik ang tingin sa akin.
"Paano ba yan? Ano pang masasabi mo?" Pang-aasar ko kay Kuya.
"K." Tangi na lamang niyang nasabi. Hahaha. Yan kasi, epal pa brother. Pa italian italian ka pa kanina.
"Ayon! Sa wakas. Busog na ako!" Sabay pang turan nina Loel at Klein pagkatapos naming kumain.
Kasalukuyang nag uusap ang mga kasama ko nang may maramdaman ako sa aking bulsa. Nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko yun.
"Who's that guy?" Napatingin ako kay Kuya Clode. Siya yung nagtext sa akin.
"Paris. One of my friends here." Reply ko. Kilala ko na kung sino ang tinutukoy niya. Si Paris lang naman kasi ang nagpakita ng possessiveness.
"I'm glad to know that you already have friends here. But I am not convince that he's only your friend. Is he not your boyfriend?" Ang haba ng reply niya kaya ang tagal kong binasa iyon. Para siyang imbestigador ha!
BINABASA MO ANG
The Parisian Queen (Complete)
RomanceMontellor Cousins Series Paris and Helen were two of the most iconic and remarkable names in Ancient Mythology. Their love for each other were so strong, undefitable, and historic. But it is also the love that brought forth war and hostilities betwe...