Gusto
Madaling lumipas ang mga araw. Ilang buwan na rin akong narito sa Isabela, hinahanap ang aking sarili.
Patapos na rin ang tatlong linggo naming preparation para sa show namin sa Mythology. Pagkatapos ng ilang beses na practice at meetings ay natapos na rin namin ang gagawin naming show para sa Art's Month.
"Good luck guys!" Sigaw ko. Nandito uli sa lodge nila Paris ang buong team para sa last rehearsal. Sa susunod na araw na ang selebrasyon ng Art's Month sa unibersidad, at masasabi kong handa na ang buong team namin para doon.
"Kung gusto niyo ay dito na kayo mag lunch. I told our maids to cook food for all of you." Alok ni Paris sa amin.
"Syempre brad. Di namin tatanggihan yan." Sagot nung tatlong kolokoy niyang kaibigan. Agad na sila nagputa roon sa loob ng bahay nila Paris. Hindi na ako nagtataka kung komportable sila sa bahay nila dahil paniguradong lagi sila rito, given the fact na kaibigan nila ang may-ari.
"Tsaka, minsan lang kami mapunta rito sa bahay niyo, susulitin na namin." Pagbibiro naman nang iba naming ka-team.
Tumawa si Paris. "Sundan niyo nalang yung tatlo. Mga ungas talaga yung mga yon."
"Reyna. Hindi ka pa ba pupunta roon." Tanong ni Kate sa akin ng hindi pa ako sumusunod sa mga kasama namin.
"Mauna ka na lamang doon Kate. May hinahanap lang ako." Sabi ko ng hindi ko makita ang cellphone ko sa bag ko.
"Sure ka ah? Mauuna na ako don, sunod ka nalang." Tumango ako at wala naman ng nagsalita kaya siguro ay nagpunta na roon si Kate.
Tiningnan ko ng mabuti ang aking bag at ang buong lodge pero hindi ko mahanap ang phone ko. Kasalukuyan kong sinisilip ang ilalim ng upuan nang may nagsalita sa aking likod.
"Is this what you are looking for?"
Lumingon ako at nakatayo sa likuran ko si Paris. Nakaangat ang kamay niya habang hawak-hawak ang isang telepono.
"Akin yan." Ani ko at kinuha ito mula sa kamay niya, wala pa man ding pin code ito. Sagabal lang kasi pag ino-open.
Naglakad na ako palapit sa dala kong bag at maglalakad na sana papunta roon sa loob ng kanilang bahay nang napukaw ang atensyon ko dahil nagsalita siya.
"Wala man lang bang thank you dyan?" Taas kilay niyang saad.
"Thank—"
Naputol ang sasabihin ko ng bigla niyang hawakan ang aking kamay. "Hindi ko na tinatanggap ang thank you mo." Sabi niya at hinila na naman ako kung saan. "Samahan mo nalang ako."
"Hoy! Lalaki! Saan mo na naman ako dadalhin? Namimihasa ka na ah." Bulyaw ko pero hindi niya binitawan ang kapit niya sa aking kamay. Hindi ko alam pero naglalakad kami palayo sa likod ng bahay nila.
"Basta. Sumunod ka nalang babae." Tumawa siya at ipinagpatuloy ang paglalakad.
Tumingin ako sa kamay namin na ngayon ay makahawak. Sumasakit ang ulo ko dahil alam kong hindi pwede itong nararamdaman ko kay Paris. Gusto ko na siya. Noong nakaraang linggo ko pa pinapakiramdaman ang aking sarili pero hindi ko maikakailang iyon ang nararamdaman ko.
Tumaas ang tingin ko, mula sa mga kamay namin, dumaan iyon sa braso niya, balikat, at sa nakangiti niyang mukha.
Wait. What? Dali-dali akong umiwas ng tingin.
"Oh? Bakit ka nakatitig sa akin? Nain-love ka na ba Reyna?" Kumindat siya.
"Naka-shot ka ba? Nako Paris, huwag kang umasa. Masasaktan ka lang... " Kontra ko.
BINABASA MO ANG
The Parisian Queen (Complete)
RomanceMontellor Cousins Series Paris and Helen were two of the most iconic and remarkable names in Ancient Mythology. Their love for each other were so strong, undefitable, and historic. But it is also the love that brought forth war and hostilities betwe...