Chapter 5: Iniwan
"Ma'am, this is your order."
Tinanggap ko ang inorder kong iced coffee at saka nagpasalamat sa waiter. Binuhat ko ang tray at pumunta sa aking table. Doon ako pumwesto sa malapit sa bintana para madali kong makita kung paparating na ba si Helix.
Nope, it's not what you think. Hindi kami magdedate. Ngayon namin sisimulan ang thesis namin at dito sa coffee shop ang aming meeting place tapos sa school kami gagawa.
Ewan ko ba dun sa lalaking 'yon at dito pa naisipang magtagpo. Pwede namang diretso na sa school. Sinabi niya rin sa akin na huwag na akong magdala ng kotse at siya na daw ang bahala magdrive. Ewan ko din sa sarili ko kung bakit sinusunod ko siya. Hays.
Speaking of Helix, konti na lang talaga ay mapipikon na ako. Nagutom at nauhaw na ako't lahat, wala pa rin siya. Kanina pa ako dito ah?! Kung nanliligaw 'to sakin? Basted na kaagad! Dapat hindi niya pinagiintay ang babae!
I took out my phone and started to type a message.
To: Helix
Where the hell are you?
Send.
Ilang minuto pa ay nagvibrate ang aking cellphone. Tumatawag si Helix. Agad ko itong sinagot.
"Hello? Nasaan ka na? Kanina pa ako dito!" bungad ko.
"Sorry. May ginawa lang ako. I'm on my way."
Tsss. Baka nambabae lang to eh. Mga palusot.
"Okay. Pakibilisan. Bye."
Hindi ko na siya hinintay sumagot at agad ko nang inend call.
After 15 minutes, nakita kong may nagpapark na puting Isuzu Mu-X. Hindi gaanong tinted ang bintana nito kaya kita kong si Helix iyon. Halata sa kanyang mukha na nagmamadali siya. Hahaha. Natakot siguro sa akin.
"Sa wakas." I muttered.
Dali dali siyang bumaba. He's wearing a black v neck shirt at jeans with matching black cap.
Nakita ko pang napalingon ang mga babae na nasa labas ng coffee shop. Kinawayan nila si Helix at sinuklian naman niya ito ng ngiti. Aba talagang!
Abot tenga ang ngiti ng mga haliparot! Ito namang si Helix ay pumasok na sa coffee shop at nagmasid. Nang dumapo ang mga mata niya sa puwesto ko ay nginitian niya ako. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Hey, I'm sorry if I made you wait. May inasikaso lang ako sa bahay." bungad niya nang makalapit sa akin.
"May inasikaso sa bahay? O nakipaglandian?" bulong ko.
Teka, ano naman yun sa akin?
"Ha?" nagtataka niyang tanong.
"Ah wala! Tara na nga! Ang tagal mo naman kasi eh! Edi sana may nasimulan na tayo!" bulyaw ko sa kanya.
"Sorry na."
Hindi ko na siya sinagot. Isinuot ko na ang aking bag at saka naglakad palabas.
Nauna akong naglakad at sumunod naman siya. Nang mapadaan kami sa mga haliparot na babae ay agad na nilang tinitigan si Helix. They were looking at me like I did something wrong. Nagdire diretso lamang ako sa paglalakad at hindi sila pinansin.
BINABASA MO ANG
Fall For You
RomanceVenisce Hanley Costalez is whipped and extremely swooned over her long-term crush, Ashton Miguel Villafuerte. In a snap, the tables suddenly turned as she met Rian Helixer Rodriguez who offered her a deal of being his pretend-girlfriend for a specia...