Chapter 39

147 7 74
                                    

Chapter 39: Stay or Run Away

What the hell was that? What did he just say?

"You're my friend, right? Should I say I love you then?"

Hindi ko alam kung ano dapat ang maramdaman. Matutuwa ba ako dahil sasabihin niyang mahal niya ako. O dapat na manlumo ako dahil parang sinampal niya na sa akin na kaibigan na lamang ang turing niya sa akin.

Oh God, Helixer. You are driving me crazy.

Ako ang nag-iwas ng tingin sa pagkakataong ito. Hindi ko kinaya ang matatalim niyang titig na tumatagos sa kaibuturan ng kaluluwa ko. Pakiramdam ko ay bibigay ang tuhod ko sa oras na makipagtitigan pa ako sa kanya.

Laking pasalamat ko nang tinalikuran niya na ako at nagpatuloy ulit sa ginagawa niya. Ilang segundo pa akong nanatili sa kinatatayuan ko dahil sa gulat sa mga nakakawindang na pangyayari.

Sa palagay ko ay magluluto siya. Bukod sa nakahain na ang karne ay inihahanda na rin niya ang mga kaldero at ibang condiments.

Doon ko lamang naalala ang agenda ko kung bakit ako narito. Magpapaalam nga pala ako na kakain na.

Pambihira, parang saglit kong nakalimutan ang gutom ko sa sandaling iyon. Iba ka talaga, Rodriguez.

Nilisan ko ang kitchen at nagtungo kung nasaan ang bag ko. Kinuha ko ang wallet at cellphone ko at pagkatapos ay sumilip muli sa kusina para magpaalam sa kanya. Dapat ay magpapadeliver na lamang ako ng pagkain mula sa hotel pero hindi ko yata kakayaning makasama pa si Helix sa iisang silid.

"Uhm... Helix..." Tawag ko sa kanya na busy sa paghihiwa ng karne. Saglit siyang tumingin sa akin at agad bumalik sa ginagawa niya.

"Lalabas lang ako para kumain."

Tumalikod siya sa akin at nagtungo sa stove nang hindi ako pinapansin. Binuksan niya iyon at naglagay ng kung ano ano sa kalderong nakasalang.

I guess that's an "okay"?

Naghintay ako ng ilang segundo. Akala ko'y wala na siyang sasabihin ngunit bigla siyang nagsalita.

"Ano? Bulag ka ba o nagbubulag-bulagan?" May halong pagkairita niyang sambit.

Humarap siya sa akin. Hindi nakatakas sa aking paningin ang napakagwapo niyang mukha kahit may bahid ito ng inis. Ang pawis na nasa kanyang sentido ay lalo lamang dumadagdag sa kakisigan niya.

"H-ha?" Naguguluhan kong sagot at parang tanga na nakatameme lamang sa kanyang harapan.

"Sa tingin mo, bakit ako nagluluto rito? Tss..." Aniya at inirapan ako.

"Uhhh... P-para kumain?"

Tumaas ang isa niyang kilay bago ulit magsalita. "Then?"

"O-okay? A-anong gagawin k-ko?" Lintek! Bakit ba ako nauutal? Hindi ko na alam kung nasa tamang kondisyon pa ba ako.

Tinalikuran niya ako nang may kasama pang irap at nang hindi man lang ako sinasagot. Teka, ano bang nangyari? Anong bang sinabi ko?Anong katangahan na naman ba ang ginawa ko?

I cleared my throat as well as my damn mind. Sa pagkakaalam ko naman ay matalino akong tao, pero pagdating kay Helix ay medyo natatanga talaga ako.

Actually hindi medyo. Sobra sobrang katangahan ang ipinapamalas ko ngayon.

Nice one, Venisce. Bravo!

"Nakakahiya kasi eh, sa labas na la--"

"Just fvcking stay here and eat! Ang kulit!" Biglaan siyang humarap at galit na sinabi iyon sa akin.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon