Chapter 57

112 6 49
                                    

Chapter 57: Not Now

Sinubukan kong kausapin si Helix tungkol sa naging usapan nila ni Avery. Hindi naman sa panghihimasok pero hindi talaga ako lubayan ng aking kuryosidad. Pamula kasi nang umalis si Avery ay parang nawala na siya sa sarili niya. Wala naman siyang binabanggit sa akin tungkol doon. Maging hanggang sa makapagdinner kami ay wala akong ideya.

Kaya naman noong ihatid niya ako pauwi sa amin ay napagpasyahan ko na siyang tanungin.

Pinagbuksan niya ako ng pinto. Bumaba naman ako at humarap sa kanya. His face was serious. Hindi rin siya makatingin sa akin.

"Are you okay?" Alala kong tanong sa kanya. Bumaling naman ito sa akin.

"Yes. I am." Diretso nitong sagot at nagawa pang ngumiti kahit alam kong pilit iyon. Nanliit ang nga mata ko sa harapang pagsisinungaling niya sa akin.

"What?" Tanong naman nito nang mapansin ang pagtitig ko.

Tinagilid ko ang aking ulo at nagcross arms.

"Kanina ka pang balisa. Is there something bothering you? Ano ang napag-usapan niyo ni Avery kanina?" Sunod-sunod kong sambit at hindi na napigilang isiwalat ang mga tanong na kanina pang tumatakbo sa aking utak.

Bakas ang gulat sa mukha niya sa mga unang segundo pero di kalaunan ay ngumiti na ito.

"Wala lang 'yon." Aniya.

"Huh? Hindi pwedeng wala lang, Helix. Bawal bang sabihin?" Pilit ko pa.

He looks tensed. It seems like he's holding back his emotions. Para bang ayaw niyang makita ko ang tunay niyang nararamdaman. Gayunpaman ay pinanatili niya ang ngiti sa kanyang labi.

"Don't worry, love. I'm okay. At 'yong napag-usapan namin kanina, just let it slip away. It's not important." Sagot naman niya at hinawakan ang kamay ko.

I don't know what to feel. May isang parte sa akin na hindi makumbinsi sa sinasabi niya at may parte rin namang nagsasabi na maniwala na lang. Alam ko eh. May hindi siya sinasabi sa akin. I know that he's hiding something from me. I just don't know what it is.

Imbis na magpakabaliw sa pag-iisip ay ipinagsawalang bahala ko na lamang ang araw na iyon. Maybe it's something private and I shouldn't be involved? Or maybe it's about their business? Maaari. They're business partners after all. Tama. Baka iyon nga ang dahilan.

Hindi na rin naman namin iyon napag-usapan sa mga sumunod na araw. Mukha namang wala nga lang iyon. If he says so, then I will believe it. Umayos na rin si Helix at nagbalik sa normal kaya mas lalong hindi na ako nabother sa pangyayaring iyon.

Linggo ng umaga at nakatambay lamang ako sa bahay. Wala kaming pasok since it's Sunday at iilan lang din naman ang kailangan kong gawing trabaho kaya nagrerelax muna ako.

Nanonood ako ng movie sa salas nang biglang nagvibrate ang aking cellphone. Kinuha ko iyon at nakitang tumatawag si Helix. Kaagad ko iyong sinagot.

"Hello?"

"Hi, love! You doing something?" Masiglang bati niya.

Sumandal ako sa sofa habang nakatapat pa rin ang cellphone sa aking tenga.

"Wala naman. Nanonood lang ako ng movie and of course, kausap ka. Why?"

"How about later? May gagawin ka?"

"Hmm, kaunting paperworks. Pagkatapos noon, wala na, I guess. Bakit ba? Aayain mo na naman akong magdate, ano?" Akusa ko sa kanya.

Alam na alam ko na 'yang mga ganyan niyang litanya. Malamang ay aayain ako nitong kumain o kaya naman ay pumunta sa condo niya.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon