Chapter 31

146 8 50
                                    

Chapter 31: Sampung Segundo



Pinagpatuloy ko ang pag iwas kay Helix. Hindi ko man gustuhin pero ang pagdistansya sa kanya ang tanging naiisip kong paraan para mapalayo ang loob niya sa akin. Kung mananatili siya dahil sa akin, ako na mismo ang lalayo. Kahit nangungulila na ako sa presensya niya ay gagawin ko pa din ito. I'll make this is easy for me. For him. For us.



Tatlong beses akong bumusina matapos pumarada sa harap ng bahay nina Cassy para syempre sunduin siya. Dahil nga umiiwas ako kay Helix ay hindi na ako nagpapahatid o nagpapasundo sa kanya. Kaya eto, dating gawi. Isa na naman akong ganap na personal driver ni Cassy. Tss.



Ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas na si Cassy mula sa kanilang gate. Kaagad napakunot ang noo ko nang makita ang itsura niya. Saang debuhan ang punta ng isang 'to? Aba! Posturang postura ah? Sa pagkakalam ko ay sa eskwelahan kami pupunta, talagang nakadress pa. And wait, naka heels pa ang loka!



"Good morning!" Bungad na bati niya nang makapasok sa aking kotse. Kaagad niyang inasikaso ang pagsusuot ng seat belt samantalang ako ay taas kilay na nakatingin sa kanya.



"Good na good ang morning mo ah? Tapos na ang Star Magic Ball, aber! Saan ang punta mo?" Puna ko kaya't napatingin siya sa akin.



Unti unti itong ngumuso at nagpigil ng ngiti. Lalong napataas ang kilay ko sa inaasta niya. Hmmm... The last time I checked, broken hearted pa ang isang ito. What happened now?



"Secret." Aniya at parang baliw na nakangiti hanggang sa magsimula na ang aming biyahe. Parang ewan na ngumingiti mag isa. Paminsan minsan naman ay nakikita kong hawak niya ang kanyang cellphone at nagpipigil sa kilig. Tss, crazy girl. Probably inlove.



Hinayaan ko siya. Mas mabuti nang ganyan si Cassy kesa naman tahimik siya at nagtataray.



Nang maiparada ko ang aking kotse sa parking lot ng university ay sabay kaming bumaba at naglakad. Siya ay ngingiti ngiti pa rin habang ako ay hindi mapakali. Nalulungkot ako na ewan. Langya. Isa na namang panibagong linggo ng pag iwas.



Alam kong hindi manhid si Helix at nakakaramdam na siyang umiiwas ako. Ayaw niya lang siguro akong komprontahin tungkol dito.



"Huy Venisce!" Natauhan ako at inis na bumaling kay Cassy dahil may kasama pang hampas ang pagtawag niya sa akin.



"Ano ba?!" Iritado kong sagot.



"Anong 'ano ba', ang sabi ko ho, wag mo na akong intayin mamaya. May pupuntahan ako." Pagpapaliwanag naman niya.



Tumango lang ako bilang tugon at nagpatuloy sa paglalakad. Pakiramdam ko may date ang isang 'to eh. Hindi naman yan magpapaganda kung wala. Fashionista siya oo, pero ngayon lang talaga siya nagsuot at nag ayos ng ganyang kaganda nang papasok kami sa school. Basta. As I've said, ang importante ay masaya siya.



Napahinto ako sa paglalakad dahil tumigil si Cassy. Nagtataka ko siyang hinarap at bumungad sa akin ang mga malapusa niyang mata na mapanuri akong tinitingnan. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay.



"May problema ka." Hindi iyon tanong kundi isang deklarasyon. Well, what do you expect from my bestfriend? Syempre ay alam niya kung may problema ako o wala.




"Wala." Pagtanggi ko at saka nag iwas ng tingin. Alam kong balewala ang pagtanggi ko dahil hindi naman maniniwala si Cassy. Ni isang beses ay hindi siya nagkamali sa mga kutob niya.



"Lie to my face, Venisce. You know me, hindi kita titigilan. Spill it." May awtoridad niyang sabi at nauna nang umupo sa isa sa mga benches.



Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon