Chapter 10: So Inlove
Pinagmasdan ko ang aking repleksyon sa harap ng salamin. Tonight is Don Roberto's birthday. Alas syete pa lamang ng gabi at ang usapan namin ni Helix ay susunduin niya ako ng 7:30.
Umikot ako para tingnan ang aking over all look. Suot ko ang blue ombrè sleeveless dress na binigay ni Helix sa akin. Hanggang ngayon ay nagtataka pa din ako kung paano sumakto ang dress sa akin gayong hindi ko naman iyon sinukat. Ang galing pala magtantsa ni Helix huh?
Hinaplos ko ang aking buhok na ngayon ay nakakulot ang dulo. Naglagay din ako ng light make up para maging presentable naman ang itsura ko. Buti na lang talaga at ang bestfriend ko ay isang make up expert. Nakakakuha ako ng mga tips at skills sa pagmemake up.
Okay na kaya 'tong itsura ko? Shet na malagket! Kinakabahan na ako ngayon pa lang.
Nagbuntong hininga ako at umupo sa aking kama para isuot ang dirty white colored stilettos ko.
Nang matapos ako sa pagsusuot ng aking sapatos ay muli kong tiningnan ang aking sarili sa salamin.
"Just be yourself, Venisce." sabi ko sa aking sarili.
Paano kaya pag hindi sila naniwala? Paano pag nabuking kami? Hindi pa naman akong magaling umacting! Waaah! Damn, overthinking.
Maya maya ay nagvibrate ang aking cellphone. Siguro ay nagtext si Helix kaya tiningnan ko iyon.
From: Helix
I'm on my way. You ready?
Pag sinabi ko bang hindi, hindi natin 'to itutuloy?
Hindi ko na nireplyan si Helix. Kinuha ko na ang aking shoulder bag at bumaba na.
Sina Mommy at Daddy ay naghahanda pa lamang kaya mauuna kami sa kanila.
Isa pa 'yon sa ikinakakaba ko, paano kaya ako magtatago sa kanila?
Ilang minuto ang lumipas at may nagdoorbell na. Dumalo ang isa naming katulong para pagbuksan iyon.
Nagready na din ako at tumayo para salubungin si Helix.
"Nandyan na ba si Helix, anak?" tanong ni Mommy habang bumababa sa staircase namin. Kasunod niya si daddy na inaayos ang polo niya.
"Yes, Mom."
"Good evening po, Tita." bati ni Helix kay Mommy.
Dumapo ang tingin ko kay Helix.
Wow. Si Helix ba 'tong nasa harap ko? O isang Greek god?! Ang gwapo niya!
Naka puti siyang polo na nakatupi hanggang siko at itim na slacks. Di gaya ng usual na gulo niyang buhok, maayos ito ngayon. Oo gwapo na siya pero mas gwapo talaga siya ngayon! Shet, lalo tuloy akong naconscious sa itsura ko! Baka magmukha akong alalay pag tumabi sa kanya!
Nagbalik ako sa aking sarili nang maramdaman na nasa tabi ko na si Helix.
"Uhm, tita? Tito? Uuna na po kami ni Venisce."
"Yes. Sure sure. Ingatan mo si Venisce ha? Drive safely. See you there." paalala ni Mommy.
"Yes, tita. Makakaasa po kayo." tugon ni Helix at nginitian si Mommy.
BINABASA MO ANG
Fall For You
RomanceVenisce Hanley Costalez is whipped and extremely swooned over her long-term crush, Ashton Miguel Villafuerte. In a snap, the tables suddenly turned as she met Rian Helixer Rodriguez who offered her a deal of being his pretend-girlfriend for a specia...