Chapter 34

114 9 4
                                    

Chapter 34: Hope



"To officially open the second branch of Scarlett Fashion Botique, may I call on our hard working and fabulou
s owner, Ms. Scarlett Cassandra Roscande for the ribbon cutting. Let us give her a round of applause!"



Masigabong palakpakan ang ibinigay namin kay Cassy nang tumayo siya at naglakad patungo sa entrance ng kanyang fashion botique. Isa isa din kaming nagsisunudan at pumwesto sa kanyang likod para tunghayan ang opisyal na pagbubukas ng Scarlett.



Kanina pa nagsimula ang launching ng pangalawang branch ng Scarlett. Gaya ng sabi ng host ay ribbon cutting na ngayon at sa pagkakaalam ko ay may kaunting salu salo pagkatapos nito.



"In 3, 2, 1! Congratulations!" Sabay sabay naming sigaw nang gupitin na ni Cassy ang ribbon. Unti unting pumasok ang mga guests sa loob ng botique. Nakadisplay dito ang mga gowns, tuxedos at iba pang damit na si Cassy mismo ang nagdesign at gumawa.



Dumalo ako kay Cassy at sinalubong naman niya ako ng yakap.



"Congratulations, girl! I'm so proud." Bati ko nang kumalas sa pagkakayakap niya. Sinuklian naman niya ako ng ngiti.



"Thanks, Ven. Love you always. Tutuparin ko pa rin yung sinabi ko na ako ang magdedesign ng wedding gown mo! Hahahaha!" Nang aasar at tumatawa naman nitong sagot.



Nakisakay na lang ako sa trip niya at napailing.



Hay, kahit kailan talaga.



"Tara na, kumain na kayo. Call Argyle. Pati sina Tammy." Saad ni Cassy. Sinunod ko ang sinabi niya.



Tinawag ko si Argyle na kanina ay kausap ang ilang lalaki na kakilala niya at syempre si Tammy na kabuntot si Dave. Nang makumpleto kami ay nagtungo kami sa presidential table na kinauupuan nina Cassy.



Tahimik ang hapagkainan. Hindi kami makapagusap na magkakaibigan dahil may kasama kaming nakatatanda.



You know, oldies. Baka magreklamo pa sa kaingayan namin.



"Where's Warren?" Biglang tanong ni Tita Sandra, Cassy's mom.



Inilibot ko ang paningin ko sa mga tao at napagtantong wala nga si Warren. Lahat kami ay napatingin kay Cassy. Syempre, siya lang naman ang makakasagot kung nasaan ang dakila niyang boyfriend.



"He's doing something. Babalik din po iyon mamaya."



Tumango si Tita Sandra at nagpatuloy ang iba sa pagkain.



Nang matapos ang lahat ay napuno na ng kuwentuhan ang hapagkainan. Ang mga nakakatanda ay nagsimulang tanungin si Cassy. About her personal life and of course, about her business. Hangang hanga sila dahil at a young age ay naging successful ang business niya.



"Ilang years na ba kayo ni Warren?" Tanong ng isa sa mga tita ni Cassy.



"Four years, tita."



"Matagal na din ah? Are you planning na to... you know? Magpakasal?" Nangingiti nitong tanong.



Napangisi agad ako sa tanong na iyon. Maging sina Tammy ay nagpipigil sa tawa dahil sa naging reaksyon ni Cassy.



Para siyang natatae na ewan. Hahaha!



"Uhh... wala pa po yan sa plano namin. B-besides, he's still working for his promotion sa airlines."



Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon