Chapter 24

152 8 15
                                    

Chapter 24: She's Back



Mabilis na lumipas ang mga araw. Ngayon ay pangalawang linggo na ng December at naghahanda na ang lahat para sa nalalapit na pasko. Konting araw na lang din ay magkichristmas break na kami.



Umalingawngaw ang matinis na tili ni Cassy nang puntahan nila ako ni Warren dito sa cafeteria para maglunch.



"OMG! OMG! OMG! Grabe talaga, Ven!" naghihisterikal na sabi niya sa akin at niyugyog pa ako.



Kaagad ko namang iniiwas ang aking sarili sa kanya at tumingin kay Warren na seryoso ang itsura ngayon. Mukhang badtrip yata.



"Bakit nababaliw ang isang 'to?" tanong ko sa kanya. Walang buhay siyang umupo sa tapat ko habang si Cassy naman ay parang baliw na tumatalon talon pa rin. Pinagtitinginan na nga siya ng mga tao dito. Bahala siya.



"Edi itanong mo sa kanya." ani Warren at umirap sa kawalan.



Ano bang nangyayari?



Bumaling naman ako kay Cassy na pulang pula na ang mukha.



"Ano bang nangyayari sa'yo? Tumigil ka na nga! Mukha ka nang sinasapian dyan." bulyaw ko pero hindi siya natinag.



Umupo siya sa tabi ni Warren. Nang makaupo si Cassy ay bahagya namang umagwat itong si Warren at umirap na naman.



"Grabe Ven! This is it! Ito na talaga!"



Ayan, nagsisimula na naman.



"Ano ba kasi yun?!" iritado kong sabi kaya't kumalma siya ng kaunti.



"OMG, wait. Inhale. Exhale." aniya at ginawa ang sinabi niya.



Napairap na lang ako sa ginagawa niya.  Maybe this is about that Clark o CJ kung tawagin niya. Madalas nagkakausap ang dalawa ni Cassy these past few weeks eh.



"Grabe talaga. Kanina, pagkatapos ng klase ko kay Prof. Basilan, nagulat ako nang nakita ko sa labas si CJ! OMG! Tinanong ko kung bakit siya nandon at sinabi niyang sinusundo niya ako! Waah! Grabe Venisce!" kinikilig niyang sabi.



Sinasabi ko na nga ba. Ganito pala kiligin ang mga first timers.



"At eto pa! Habang naglalakad kami, niyaya niya ako sa isang date! Ito na talaga ang simula ng makulay kong lovelife!" dagdag niya pa habang abot tenga ang ngiti.



"Niyaya lang, love agad. Tss." rinig ko pang bulong ni Warren na tingin ko ay narinig din ni Cassy dahil pinukolan niya ng masamang tingin ang katabi.



"Bestie, ano ba naman yan? Show some support!" sabi ni Cassy pero inirapan lang siya ni Warren.



"Baka mamaya siopao ka lang dyan." tamad na sabi ni Warren. Sabay napakunot ang noo ko at ni Cassy. Siopao?



"Bola bola na, asadong asado pa. Ingat ka, Cassandra." aniya habang matalim na tinitingnan si Cassy.



Woah! Ibang iba ang Warren ngayon! Saan niya kaya naiwan ang lambuting side niya? Kung di mo talaga siya kilala ay aakalain mong straight siyang lalaki. Idagdag pa ang seryoso niyang mukha na lalong nagpakisig sa kanya.



"Sus. Dami mong alam. Bahala ka nga." ani naman ni Cassy at bumaling sa akin.



Maya maya ay bigla na lamang tumayo si Warren at isinakbit na ang kanyang bag.



Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon