Chapter 52

108 6 23
                                    

Chapter 52: Dwayne Argyle

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi nang maayos sa kabila ng walang tigil na pag-iyak ko.

Labag man sa aking kalooban ang pag-alis ay kinakailangan ko pa ring gawin. Ayaw na akong makita ni Argyle. Matindi ang naging pagtaboy niya sa akin na parang ako ang pinakakinamumuhian niyang tao. Kung ipipilit ko pa ay lalo lamang kaming magkakasakitan.

He's broken and miserable because of me. Ako rin. Pero hindi iyon maikukumpara sa pinagdadaanan niya ngayon. I feel like everything we cherished together is gone. Friendship, memories, and everything. Lahat ay nawala nang parang bula dahil sa akin.

Pinahid ko ang mga luha sa aking pisngi habang inililiko ang sasakyan sa street ng aming bahay. Ilang sandali lamang at natanaw ko na ito ngunit nagtaka ako nang may pamilyar na sasakyang nakaparada sa harap.

Ipinarada ko ang aking kotse at saka lamang nakita nang malinaw ang imahe ng lalaking nakasandal sa puting sasakyan.

Si Helix.

Dali dali akong bumaba at dumalo sa kanya. Hindi na ako nag-alinlangan at walang pasubali siyang niyakap. Ramdam ko ang gulat niya sa ginawa ko pero maya maya rin ay naramdamdaman ko na ang kanyang mga kamay na humahaplos sa aking likod.

"Hindi ako mapakali sa bahay. Hindi ka rin nagrereply sa mga text ko kaya pumunta na ako rito." Sabi nito habang nakayakap pa rin.

Pagkasabi niya noon ay parang gripo na namang bumuhos ang mga luha ko. Sobrang bigat na ng dibdib ko at sobrang dami na ring laman ng utak ko kaya't wala akong magawa kundi ang umiyak. Pakiramdam ko ay mababaliw ako kung hindi ko ito ilalabas.

"W-why are you crying?" Humiwalay siya sa akin at saka ako hinarap. Nang makita niyang panay ang iyak ko ay namutla siya.

"Anong nangyari, Hanley?" His face hardened pero nanatili ang bakas ng pag-aalala roon.

"He hates me, Helix. He hates me."

Ngayong lumabas na ang mga salitang iyon sa aking bibig ay parang unti-unti nang nagsisink-in sa akin ang lahat ng frustrations at sakit.

Humikbi ako.

"A-ayaw niya n-na akong m-makita..."

Nag-iwas siya ng tingin at narinig ko ang ilan niyang mahihinang mura. Nag-igting ang kanyang panga at bumaling sa akin. Gamit ang kanyang hinlalaki ay pinahid niya ang mga luha ko.

"I shouldn't have let you go there..."

Namungay ang mga mata niya.

"Don't worry. I'm here. I'm here, love."

Hindi na ako nakaimik at patuloy lamang na umiyak. Nanatili si Helix doon hanggang sa bahagyang tumahan at kumalma ako. Ngayon ay nakaupo ako sa front seat ng kanyang sasakyan habang siya ay nakatayo sa labas at nakaharap sa akin.

Hindi siya umiimik at nakatitig lamang na parang sinusuri niya ako.

"Tama na ang pag-iyak. Tingnan mo at pugto na ang mga mata mo." Sa wakas ay nagsalita ito. Nanahimik lang ako dahil totoo naman ang sinasabi niya. Mahapdi na nga ang mga mata ko sa kakaiyak.

Paano kung pag-iyak lang ang paraan para maibsan ang sakit?

"Your precious tears should not be wasted because of pain." Dagdag pa niya at humakbang palapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko na kanina pang hindi mapakali.

"Helix..."

"Hmm?"

"Masama ba akong tao?"

Hindi ko alam kung bakit iyon ang itinanong ko sa kanya. Siguro ay dahil iyon talaga ang nararamdaman ko. Sa lahat ng nangyayari ngayon, pakiramdam ko ang sama sama kong tao. Am I really selfish? Masyado ko bang iniisip ang sarili ko noon kaya nakakarma ako ngayon?

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon