Chapter 37

140 8 53
                                    

Chapter 37: Taken



"Mahal na mahal na mahal kita." Ang mga litanyang huli kong sinabi bago tumayo at magtungo sa sofa.



Ilang hakbang pa lamang ang aking nagagawa ay napatigil na ako nang may magsalita muli.



"What did you say?"



Ang apat na salitang iyon ang nagpangatog sa aking tuhod. Natulos ako sa aking kinatatayuan at ni paglingon ay hindi ko magawa dahil sa sobrang pagkagulat at kaba.



Shit shit shit!! Hindi niya dapat marinig yon! Bakit gising pa siya?! Bakit gising pa si Helix?!



"I am asking you. Wag mo akong talikuran."



Buong buhay ko, ngayon ko lang pinangarap maging bula. Gusto ko nang biglaang mawala para makatakas sa sitwasyon ngayon!



Huhuhu. Venisce naman eh! Dapat sinampal mo muna para nasigurado mong tulog!



Inipon ko na ang lahat ng lakas loob na meron ako sa katawan saka nilunok ang kung anumang bumara sa lalamunan ko kanina.



Lord, tulungan mo kong masolve itong katangahan ko.



Pagkalingong pagkalingon ko ay nagtama agad ang mga mata namin. Nakailang mura pa ako sa aking isip nang mapagtantong nakatopless pa rin ang mokong.



Waaaaah!



Hinay lang puso, wag kang lalabas dyan!



Medyo magulo pa ang buhok nito at kung kanina'y nakahiga siya, ngayon naman ay nakaupo na siya sa kama.



Teka, nasaan ba yung cellphone ko? May modelo kasi ngayon sa kwarto. Hihi.



Argh! Venisce! Go back to your fucking senses! Hindi ngayon ang oras para magpantasya!



"G-gising ka?"



"Obviously. At narinig ko ang sinabi mo. Ang gusto ko ay sabihin mo ulit."



"W-wala. Wala akong sinabi. Baka guni guni mo lang!" Depensa ko pa at palihim na nagdasal na sana ay paniwalaan niya ang palusot kong iyon.



Ngumisi ito at isang beses na pinasadahan ng kanyang kamay ang magulo niyang buhok.



"Hindi ako bingi at mas lalong hindi ako tanga. Come on, Hanley. Say it again."



Pakiramdam ko ay nalagutan ako ng hininga ng marinig ang salitang yon.



Tama ba ang narinig ko?! He called me Hanley!



"A-ang sabi ko... namiss k-kita. Y-yun lang." Hindi ko na naiwasan ang pagkautal. Literal na nanginginig ang aking labi pati na rin ang aking mga kamay.



"Alam ko. Meron pa. Meron pa, Hanley. I wanna hear it again. I wanna hear it from you." Nanunuya nitong sabi at tumayo na.



Pambihira. Hindi ako makapaniwalang may ikagagrabe pa ang epekto ng mokong na ito sa akin.



"M-mahal..."



Bahagya itong naglakad palapit sa akin. Ang mga mata nito ay diretsong nakatingin sa akin na tila sabik na sabik sa mga sunod kong sasabihin.



"...na mahal kita." Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang reaksyon ng lalaking sinabihan ko ng mga salitang iyon.



Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon