Chapter 14

194 8 47
                                    

Chapter 14: I Love You



Maaga akong nagising ngayong araw dahil ngayon nakaschedule ang pagpunta namin ng Batangas para magbakasyon. Alas sais pa lamang ng umaga ay sinundo na ako ni Helix para makapunta sa kanilang bahay dahil doon daw magtatagpo ang mga kasama.



"Let's go?" tanong ni Helix matapos niyang ayusin ang mga gamit ko sa kanyang sasakyan.



Agad naman akong sumakay sa kanyang sasakyan at di kalaunan ay umalis na din naman kami. Inaantok pa ako pero pinilit kong gumising ng maaga dahil nakakahiya kung dito ay late pa din kami. Sa biyahe na lang siguro ako matutulog.



"Hello Ate Venisce!" salubong ni Hannah sa akin nang makarating kami sa kanila. Niyakap niya ako at niyakap ko naman siya pabalik.



"Hi Hannah. Aba, lalo yata tayong gumaganda diyan ah?"



"Nako, Ate! Hindi naman! Hahaha!' tugon niya at saka tumawa. Nakitawa ako sa kanya at saka nagmasid.



Tinitigan ko ang mga taong nandidito. Gwapo at magaganda talaga ang mga kamag anak ni Helix. Maging ang mga tito at tita niya ay aakalain mong bata pa dahil matipuno at marikit ang mga ito. Yung mga pinsan naman niya na halos lahat ay kaedad namin ay malalaman mo agad na dumadaloy ang dugong Rodriguez dahil sa mapupungay nilang mata at matatangos na ilong.



"Hanley!" tawag ni Helix na kasama ang mga pinsan niya.



Sumenyas siya na pumunta ako doon. Nahihiya naman akong naglakad papunta sa direksyon nila dahil lahat ng atensyon nila ay nakatuon sa akin.



"Sila yung mga pinsan ko. This is Kuya Jake, Kuya Paulo, Dave, Carlos, Clarence and Julius. Tapos yun naman ay si Ate Desiree. Yung tatlong babae naman doon ay sina Jane, Madelaine at Justine..." sabi ni Helix habang itinuturo ang mga taong binabanggit niya.



Isa isa naman nila akong nginitian. Ang mga lalaki ay naglahad pa ng kamay sa akin at tinanggap ko naman iyon.



"This is Venisce. Girlfriend ko." pagpapakilala ni Helix sa akin. Nginitian ko sila kahit nagsisimula na akong makaramdam ng hiya. Nasa akin lang talaga kasi ang atensyon nila. Idagdag pa ang mga mapanuri nilang mata na tila kinikilatis pati ang kaliit liitang detalye ng aking mukha.



"Siya pala yung magandang babae nung party ni Lolo! Hi Venisce, ako nga pala si Dave." pagpapakilala nung Dave sa akin at naglahad ng kamay. Nang iabot ko ang aking kamay ay nagulat ako ng halikan niya ito.


Sinabi agad ng instincts ko na bawiin ang kamay ko mula sa kanya. Sh*t! Di ko inexpect yun ah?




"Ah eh.. nice to meet you, Dave." awkward kong sabi pero nanatili pa rin ang nakakaloko niyang ngiti sa akin.




"Buti naman at nakasama ka. Promise magiging mas--" napatigil siya sa pagsasalita nang dumapo ang tingin niya sa tabi ko. Nang tingnan ko naman iyon ay tumambad sa akin ang galit na mukha ni Helix na kanina pa palang masama ang tingin kay Dave. Kung siguro nakakataga ang titig ay puno na ng taga siya ngayon.



"Back off, Dave. My girl." kalmadong sabi ni Helix ngunit mahihimigan mo ang pagkainis habang binibigkas niya ang mga salitang iyon.



"Ah hehehe.. sabi ko nga Helix." sabi niya at kumaripas ng takbo sa likod ng iba pa niyang pinsan.



Pinaulanan naman agad siya ng kantyaw ng mga babae lalo na ng mga lalaki.



"Yan! Ang landi mo kase!" sigaw pa nung Jake yata ang pangalan.



Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon