Chapter 9

173 9 4
                                    

Chapter 9: Date


Ilang araw na ang nakalipas matapos ang deal namin Helix at ilang araw na rin niyang binebreak ang rules.


Una, hinalikan niya ako. He freakin' kissed me! Sa cheeks lamang iyon pero halik pa din iyon! Nasa sasakyan kasi kami noon at nagpresinta siyang ikabit ang seat belt ko. Then, boom! Hinalikan niya ako sa cheeks.


"Can't help it. Hehe" sabi niya pa at nagpeace sign.


Ako naman ay pinaulanan siya ng batok at suntok. Tss. Damn, rulebreaker.


Pangalawa, sinabi niya sa blockmate ko na girlfriend niya ako. Nasa cafeteria noon kami ng blockmate kong si Kristoff at kumakain. May klase kasi si Cassy at nagyaya naman si Kristoff na kumain kaya umoo ako. Nang biglang may humila sa akin. Sino pa nga ba? Edi si Helix.


"Excuse me, may gagawin pa kasi kami ng girlfriend ko." matigas at seryoso niyang sabi kay Kristoff. Inemphasize niya pa ang salitang "girlfriend" sa pagsasalita.


I glared at him.


"Ah. Sorry pare. Sinamahan ko lang siya." Kristoff apologized.


Gosh, seriously?


"Di ko tinatanong. Excuse me, may gagawin pa kami. Right, babe?" at tiningnan ako.


Another rule is broken. Hanep din 'tong si Helix. Buti na lang at hindi niya sinusuway ang isang rule, ang mambabae. Dapat lang. Dahil pag yun ang binreak niya, all hell will break loose.


Anyway, kasama ko ngayon si Cassy at naglalakad kami papuntang gymnasium. May program ata kaya pinapapunta ang students doon.


Ito namang si Cassy ay nagrereklamo sa akin dahil hindi ko na daw siya sinusundo.


"Tinatamad na akong magdrive. Besides, marami naman kayong sasakyan at may driver naman kayo. Okay lang yun!" pagpapalusot ko.


"Aish. Kainis naman. Oo na. Pero, temporary lang dapat 'to ah!" sabi niya na parang batang naagawan ng lollipop.


Tinanguan ko siya. Temporary lang 'to syempre. Kung di ba naman dahil sa rule ni Helix edi sana nakakapagdrive ako. Damn, I miss my car so much!


Nang makarating kami sa gym ay umupo kami sa mga upuang nandoon. Nagdadatingan pa lang ang mga estudyante kaya madami pa ang vacant seats.


Si Cassy ay nagsimula nang makipagdaldalan sa iba naming blockmates. Hays. Mukhang mataray lang talaga 'tong babaeng 'to pero pag nakaclose mo na sobrang daldal.


Nang mabore ako ay kinuha ko ang aking cellphone. Nang iunlock ko ito ay bumungad sa akin ang sandamakmak na text messages at missed calls galing kay Helix.


From: Helix

Where are you?

Hanley.

Nasaan ka?

Hey.

Bakit di ka sumasagot?

Busy ka? Saan? Kanino?


I rolled my eyes. I was about to type my reply pero bigla siyang tumawag. Sinagot ko iyon.


"Hel--"



"Bakit hindi ka nagrereply? Bakit hindi ka sumasagot sa tawag? Papatayin mo ba ako sa pag-aalala?" bungad niya nang sagutin ko ang tawag.


Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon