Chapter 17

150 8 13
                                    

Chapter 17: Hurt



Matapos naming makahanap ng parking space sa aming university ay agad kong ipinarada ang aking kotse doon. Alas tres na ng hapon at sa oras na ito ay marami na ang estudyanteng mag eenroll. Paniguradong matatagalan kami nito.



"I'll see you guys later. Text text na lang." pagpaalam ni Warren dahil sa ibang building siya mageenroll. Iba kasi ang course niya sa aming dalawa ni Cassy.



Matapos umalis ni Warren ay nagsimula na kaming maglakad ni Cassy. Tahimik kaming naglalakad ngunit binasag niya ang katahimikang namamagitan sa aming dalawa.



"What if you'll see him today?" tanong niya kaya't napalingon ako sa kanya.



Ano nga bang gagawin ko? Iiwasan ko pa rin ba siya? Kakausapin? Pero para saan pa? Ituturing ko na lang ba siya bilang isang hindi kakilala?



"Yan din ang tanong ko sa sarili ko and unfortunately, hindi ko din alam ang sagot, Cassy." sabi ko at malungkot na ngumiti.



Imbis na magsalita ay binigyan niya lamang ako ng ngiti at hinaplos ang aking likod. Naintindihan ko kaagad ang ibig sabihin doon: Lagi siyang nasa tabi ko para tumulong at sumuporta.



Nagpatuloy kami sa paglalakad at nang matanaw namin ang registrar's office ay nanlumo kaming dalawa sa sobrang haba ng pila.



"No choice. Pila na tayo, Ven." ani Cassy at nagbuntong hininga.



Tumungo kami sa dulo ng pila. Siguro ay aabutin kami ng trenta minutos hanggang isang oras dito. Idagdag pa ang mabagal na pag usad ng linya at ang mainit na panahon. Nakakatamad.



Lumipas ang 30 minutes at wala pa kami sa kalahati. Inabot na kami ng gutom at uhaw dito sa pila. Anong klaseng sistema yan?!



"Venisce, punta 'kong cafeteria. Bibili lang ako ng makakain natin. Please save the slot for me, okay?" sabi ni Cassy na kaagad ko namang sinang ayunan.



Nang makaalis siya ay wala akong nagawa kundi magmasid masid. Oo, inaamin ko. Umaasa akong makikita ko si Helix ngayong araw. May apat o limang araw ko na yata siyang hindi nakikita o nakakausap. Hindi ko rin naman ginagamit ang cellphone ko kaya hindi ko alam kung nagtext ba siya o tumawag. Ayoko na ding umasa. Bakit niya naman ako maaalala diba? Sino ba naman ako?



Sa puntong ito ay hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Hindi ko alam kung anong gusto kong mangyari. Minsan nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya at gugustuhin kong ayusin na lamang ang gusot naming dalawa. Ngunit pag sumasagi sa isip ko si Avery ay agad akong umaatras.



Kung hindi ko ba narinig ang usapan nila ni Dave ay masaya kami ngayon? Masaya saan? Sa kasinungalingang mahal niya ako?



Magulo. Daig pa nito ang isang jigsaw puzzle at mga problems sa Math.



Napahinto ako sa aking pagmumuni muni nang makita ko ang isang pamilyar na sasakyan. Kaagad akong ginapangan ng kaba at may kung ano sa sistema ko ang nagkabuhol buhol.



Sigurado akong kay Helix ang sasakyang ito. Ibig ba nitong sabihin ay nandito siya?



Patuloy kong pinagmasdan ang sasakyan niyang pumaparada, di kalayuan sa puwesto ko. Nang tumigil ito ay nagbukas ang front seat at bumaba mula roon si Hannah na may hawak na ilang papel sa kanyang kamay. Mag eenroll rin siguro siya.



Para akong kinapos ng hininga nang magbukas ang pinto ng driver seat. Kinakabahan ako sa oras na makita ko siya. Baka tumakbo ako papalapit sa kanya at yakapin siya ng sobrang higpit o kaya naman ay iiwas ako at magtatago mula sa kanya.



Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon