Chapter 8

156 11 20
                                    

Chapter 8: Rules



"...be my girlfriend."



Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Helix. Be his what? Naghintay ako ng ilang minuto at baka sakaling tatawa siya o sasabihing joke lamang iyon pero hindi. Nakatitig siya sa akin at tila naghihintay ng isasagot ko.



"H-hoy! Ano ka! Anong akala mo sa'kin? Easy to get?! Hindi! Ayoko!" pagtanggi ko at bahagyang lumayo sa kanya.



Walang bakas ng pagbibiro sa mukha niya. Ni hindi nga siya ngumingisi gaya ng ineexpect ko.



"I... I just want to help you. And you must help me too."



Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Tutulungan niya ako at tutulungan ko siya?



"A-ano bang ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan!" naguguluhan kong tanong.



"Tutulungan kitang makalimutan si Ashton. I don't wanna see you miserable again." pagpapaliwanag niya.



Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. Seryoso ba siya?



"Seryoso ako, Venisce. Don't take this as a joke."



Sagot niya na parang nabasa ang utak ko. Gosh! He's really serious about this!



"Ibig mo bang sabihin, gagamitin kita?! No! Hindi ako makakapayag! Hindi ako ganyang klase ng tao."



"I know. This is a voluntary offer. Why not take it? At tsaka, kapalit nun, tutulungan mo din ako." ngayon ay ngumisi na siya.



Bakit parang masama ang kutob ko dito?



"By being my girlfriend, tutulungan kita at tutulungan mo rin ako. Paano? Remember nung umalis ako habang gumagawa tayo ng thesis?" tanong niya sa akin.



Psh. Syempre! Bakit ko naman makakalimutan iyon?



Tinanguan ko siya bilang sagot at bilang hudyat na magpatuloy. Goodness! Am I really doing this?



"Nagpatawag ng family lunch ang lolo ko dahil may mahalaga daw siyang announcement..."



Oh, so urgent pala talaga yon. Damn, napakajudgemental ko na bang tao?



"My grandfather is a former army. Halos lahat kaming mga apo niya ay lalaki kaya gusto niya na may susunod sa legacy niya..." pagpapaliwanag ni Helix.



Ako naman ay nakikinig lang sa kanya.



"Sinabi niya sa amin na ang susunod sa yapak niya ay ang apo niyang wala pang sabit. Ibig sabihin walang asawa o girlfriend. Naaawa raw kasi siya sa maiiwang babae kapag pumasok yung mapipili sa training camp."



Teka. Loading. Hindi pa nagsisink in.



"Next week ang 75th birthday ni lolo. Kung papayag ka, isasama kita doon at ipapakilala bilang girlfriend ko."



WAIT WHAT?



"Ang ibig mo bang sabihin ay magpapanggap ako na girlfriend mo para hindi ka makapasok sa army na iyon?!" gulat kong tanong.



"Exactly. Hindi ko naman forte ang pagaarmy. I'm more into business. Sa akin inaasa nina Daddy ang business namin." tugon niya at nagcross arms habang tinitingnan ako.



Nababaliw na ba siya? Sa lahat, bakit ako? Napakadami niya kayang babae!



"Hindi! Ayoko! At tsaka, bakit ako pa? Napakadami mong babae! Pwede namang mamili ka na lang sa kanila! Dun! For sure, walang angal angal. Payag agad. Like, what the hell? I don't wanna be one of your girls. Hindi ako ganon kacheap."



Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon