Chapter 49

125 6 21
                                    

Chapter 49: Reminisce

Mabilis na lumipas ang mga araw. Isang linggo na ang nakaraan matapos ang pasabog na proposal nina Cassy at Warren. Ngayon ay busy na ang engaged couple sa paghahanda at pagpaplano ng nalalapit nilang kasal.

Paminsan-minsan ay kinokonsulta ako ni Cassy sa ilang detalye. Gaya na lang ng motif o kaya naman ay ang style ng gowns para sa aming mga abay. Hindi man niya sabihin ay halatang excited ito. Syempre, ito ba naman ang isa sa highlight ng buhay niya. Malamang ay masasabik ito nang sobra.

Inamin niya sa aking hindi niya maiwasang hindi kiligin habang nagpepre-nuptial photoshoot silang dalawa. Tawang tawa ako pero kinilig din sa rebelasyon niya.

Sa kasalukuyan ay kavideo call ko si Argyle dito sa aking opisina.. Ngayon lang nagsakto ang free time naming dalawa kaya sinulit na namin iyon para makapag-usap. Mag-iisang linggo na rin magmula nang magtungo ito sa Japan para sa kanyang business trip.

"Kamusta dyan, Ven? Miss ko na kayong lahat." Sabi ni Argyle habang nakahiga sa kama ng hotel na pinagtutuluyan niya. Sumandal naman ako sa aking swivel chair.

"We're okay here, Argyle and we miss you too. Ikaw ang kamusta dyan? Ginagawa mo ba iyong mga bilin ko? Hmm?"

Napatawa ito sa sinabi ko at saka napanguso.

"Of course Ma'am. Eat on time. Don't stress myself. Always find time to rest. See? Saulo ko sila and don't worry I always put it in mind."

"Good!"

"Oh God, para akong tinotorture dito! Miss na miss na kita, Venisce Hanley!" Sigaw nito mula sa kabilang linya at humagip ng isang unan para yakapin.

Tumawa ako. "I miss you more, Argyle. Hayaan mo na at makakauwi ka rin."

Napabuntong hininga naman ito at tumango-tango.

"I know. Pero hindi pa sigurado kung kailan. I have a lot of businesses here to accomplish. Gusto kong tapusin kaagad pero oras naman ang kalaban ko. Plus, considering the fact that I am alone, makes it more tiring."

Natahimik ako. He must be really tired. Sobra sobra pa ang pressure na nararamdaman niya.

"I wish you were here. Para man lang mayakap kita kapag pagod o naiistress na ako."

Malungkot na lamang ako napangiti at tumango sa kanya. Hindi ko alam ang dapat sabihin. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing magpapahiwatig siya ng nararamdaman niya para sa akin ay nakararamdam ako ng guilt.

Maybe because, no matter what I do, alam ko sa sarili ko na hindi ko maibabalik ang feelings na iyon. O maaaring maibabalik ko ngunit hindi gaya ng kanyang inaasahan. Honestly, nalulungkot at natatakot akong isipin na sa oras na sabihin ko sa kanya ito ay hindi imposibleng magbago ang pakikitungo niya sa akin. At ayoko nun.

I want him to stay as my friend, as my brother. Pero ang katotohanan ay hindi talaga maiiwasan ang pagbabago. Lalo pa't relasyon namin bilang magkaibigan ang nakasalalay dito.

Napahinga ako nang malalim at biglang natauhan nang magsalita si Argyle.

"O? Bakit natahimik ka?"

Umayos ako sa aking puwesto at nginitian siya.

"Nothing. Just... take care of yourself there, okay? We'll bond more pag-uwi mo."

Pinasadahan nito ang kanyang buhok at ngumit nang pagkalawak-lawak.

"I like that. Magdedate ba tayo?" Mapanloko ang kanyang tono.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon