Chapter 44

149 6 73
                                    

Chapter 44: Too Much

Gustuhin ko mang umuwi at kumaripas ng takbo papalabas para makapagpalit ng damit ay hindi ko na magawa. Nakapasok na kami sa loob ng bar at tanging si Argyle na lang ang hinihintay namin na ngayon ay kinakapkapan ng guard.

Nang matapos ang guard sa pagchecheck ay pinalampas na niya si Argyle sa harang na naghihiwalay sa security area at sa mismong entrance. Dinaluhan kami ni Argyle at kaagad naman siyang tumabi sa akin.

"Kumpleto na ba?" Tanong ni Tammy at tiningnan kami isa isa.

"Nasaan si Warren?" Tanong naman ni Argyle kaya nagkatinginan ako, si Tammy, at si Cassy.

"Oo nga. Hindi kumpleto kaming boys." Komento pa ni Dave.

Okay, so hindi pa siguro nakakapagkuwento si Warren sa mga tropa niya.

Hindi ko naman kasi sinasabi kay Argyle ang nangyari dahil wala ako sa posisyon para ichismis pa iyon. Ganoon din siguro ang nasa isip ni Tammy dahil mukhang wala pa ring alam si Dave.

"Hehehehe. Mahabang kuwento, mga pare. Fifth wheel niyo muna ako sa ngayon, okay?"

Nagpigil kami ng tawa ni Tammy dahil sa sinabing iyon ni Cassy. Ewan ko ba sa gagang ito, pwede naman kasi niyang sabihan si Warren.

"Okay?" Naguguluhang sagot ni Dave at nang tingnan ko si Argyle ay mukhang ganoon din ang reaksyon niya.

"Hehehehe. Tara na!" Aya ni Cassy kaya sumunod naman kami. Para siyang leader ng squad namin ngayon. Bago pa kami makailang hakbang ay napatigil kami agad nang may magsalita.

"Mukhang kulang kayo ah?"

Napalingon kami sa kung sinoman iyon. Gulat kaming lahat nang madatnan si Warren na naglalakad papalapit sa amin. Si Cassy ay nanlalaki ang mata at mukhang hindi makapaniwala na naririto si Warren ngayon.

Nakapolo ito na kulay yellow, jeans, at sneakers.

"Walang partner yung isa dyan." Bungad nitong sabi nang tuluyang makalapit sa amin. Tinabihan niya si Cassy na parang baliw na nakatameme lang kay Warren.

Nagkatinginan kami ni Tammy at sabay na nagpigil ng kilig.

Hahahahaha! Hanep. Yung itsura ni Cassy parang grade 2 student na nakita yung crush niyang grade 3. Priceless!

"Oh? Ano pang hinihintay niyo? Pasok na!" Silbato ni Warren. Naunang maglakad sina Tammy at Dave. Sumunod sina Cassy at sa huli naman kaming dalawa ni Argyle.

Kung titingnan kaming anim, mukha kaming nakacouple outfits. Si Tammy at Dave, parehong nakapink. Si Cassy at Warren naman ay kapwa nakayellow. Samantalang kami naman ni Argyle ay parehas nakasuot ng... bwisit... red.

Mabuti sila, sakto sa relationship status ang kulay na suot. Eh paano naman kami? Hindi ko naman boyfriend itong si Argyle at hindi rin sinasadya na ito ang maisuot namin.

Bakit ba naman kasi nakalimutan ko pang basahin iyong invitation? Ayan tuloy at naligaw ang landas namin ni Argyle.

Hay, Venisce. Sobrang lala na ng katangahan mo.

Tuluyan kaming pumasok ng bar. Unang maririnig ang napakalakas na trance music mula sa malaking speakers na nakasabit sa itaas. Nakasabit din doon ang disco ball na paikot-ikot at may iba't ibang kulay.

Madami ang tao sa loob pero hindi naman ganoon kasiksikan. Kung gaano kalaki ang space nito sa view sa labas, ganoon ding kalaki ang sakop nito sa loob.

Napansin kong gold at black ang color scheme ng buong bar kaya napakasophisticated ng dating nito. Idagdag pa na napakaganda at modern style ang interior design nito. Nagkalat din ang design na crown sa iba't ibang sulok na sa tingin ko ay nagsisymbolize sa pangalan nitong Royalè.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon