Chapter 51

115 5 14
                                    

Chapter 51: Choose or Lose

Napapitlag ako sa aking kinatatayuan habang malakas na kumakabog ang aking dibdib.

Dali-daling nagmartsa patungo sa aming puwesto si Argyle at nang makalapit siya ay agad niya akong inilayo mula kay Helix. Hinablot niya ang aking palapulsuhan at inilagay ako sa kanyang likod.

Nilingon niya ako.

"What the fuck is going on, Venisce?!" Mariin nitong sambit habang namumula na ang mga mata.

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay. Napangiwi ako dahil nagdudulot iyon ng sakit.

"A-argyle, nasasaktan ako..." Daing ko at pinapatungkulan ang aking kamay. Hindi siya natinag at muli akong tinanong.

"Just answer me first, Venisce! Ano 'to?! Ilang araw lang akong nawala, may kahalikan ka nang iba? This is bullshit!" Bulalas nito.

Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa aking katawan sa lakas ng tibok nito. How would I explain this to him nang hindi siya nagagalit o nagkakaganito? Shit.

Nakatingin pa rin sa akin si Argyle gamit ang namumula niyang mata. His eyes scream disappointment, anger, and hatred. Nanlumo ako.

"I-I'm s-sorry..." Nauutal kong sabi at pinigil ang nangingilid na luha.

Lalong naguluhan ang ekspresyon ng mukha ni Argyle.

"Fuck! You're sorry for what?! Ano ba, Venisce?! Explain this bullshit to me!" Tumaas na ang tono ng kanyang boses kasabay ng paghigpit niya ng hawak sa aking kamay.

"Nasasaktan ako, Argyle. Please..." Pero hindi siya natinag at nakatingin pa rin sa akin, naghihintay ng aking sagot.

"Let her go." Sa wakas ay nagsalita si Helix. Seryoso at madilim ang kanyang mga tingin. Dumoble ang kaba sa aking dibdib.

Bumaling si Argyle kay Helix.

"Wag kang makealam ditong gago ka!" Galit na sigaw ni Argyle.

"Argyle, please..." Pagmamakaawa ko at sinubukang magpumiglas sa pagkakahawak niya pero hindi ako nagtagumpay.

Matalim ang titigan ng dalawa kasabay ng pamumuo ng tensyon sa silid. Patay ang mga tingin ni Helix habang puno naman ng galit ang mga mata ni Argyle.

"Ang sabi ko, bitawan mo si Venisce." Simple lang ang pagkakasabi ni Helix doon pero parang nanlambot ang tuhod ko sa takot.

I know. I know that expression very well. Isang maling kibo o salita at magkakagulo na ang lahat.

"Sino ka para utusan ako?! Ha?!"

"Argyle, please. Tama na. Mag-usap tayo nang maayos, please..." Nagsusumamo ko nang sabi pero parang hindi niya ako narinig.

"Sinasabi ko na nga ba at gago kang hayop ka!" Muling sigaw nito. Hindi naman nagsalita si Helix at mariin pa rin itong tinitingnan.

"Ano?! Magsalita ka! Aagawin mo pa si Venisce habang wala ako?!"

Malalim na ang paghinga ni Argyle. Kita iyon sa pagtaas ng kanyang mga balikat. Ibig sabihin lamang nito ay galit na galit na siya at ilang saglit na lamang ay hindi na ito makakapagpigil. Nagpumiglas muli ako sa kanyang pagkakahawak.

"Wala akong inaagaw..." Prenteng sabi ni Helix.

Tumawa si Argyle pero tawa iyon ng pagkainis. Pinasadahan niya ng kamay ang kanyang buhok at saka humakbang palapit kay Helix.

"... simula pa lang, akin na ang inaakala mong sa'yo." Dugtong ni Helix at kasunod niyon ay ang paghagip ni Argyle sa kuwelyo ni Helix. Napasigaw ako at ginamit ang pagkakataong iyon para pumiglas at pumagitna sa kanilang dalawa.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon