Chapter 35

106 9 23
                                    

Chapter 35: Destiny



Kasalukuyang biyernes ng tanghali ngayon. Syempre, naririto ako sa aking opisina. Lunch break ngayon kaya't nagkaroon ako ng oras para makapagpahinga.



"So anong gagawin ko girl? I mean... may dapat ba akong gawin?"



Hinubad ko ang suot kong stilettos at tuluyang humiga sa sofang naririto sa office. Inintay ko namang sumagot itong si Cassy na kausap ko na pagkatapos ko pa lamang kumain.



Ikinikuwento ko kasi sa kanya ang mga nagpagusapan at nakakagulantang na sinabi sa akin ni Hannah.



Ilang araw na akong hindi pinapatulog ng mga iyon kaya't napagdesisyunan ko nang humingi ng payo sa expert.



Kanino pa ba? Edi sa dakila kong bestfriend.



"Tinatanong pa ba yan? Syempre wala! Duh! Gising girl! Apat na taon nang walang kayo!" Bulyaw nito mula sa kabilang linya at kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong napairap siya nang sabihin iyon.



Ouch. Sobrang harsh naman.



Hay, what do you expect Venisce? Ganyan na yan since time immemorial.



Ngumuso ako at ipinalig ang katawan sa kaliwang side ng sofa.



"Oo, alam ko naman. Ipinamukha mo pa talaga. Thank you ha?" Pilosopo ko namang sagot.



May punto naman kasi si Cassy at iyon ang masakit. Wala naman talagang kami. Simula pa lang ay wala na.



Narinig ko ang paghalakhak niya.



"Hahaha! Just kidding. Peace tayo."



"Oo na! Oo na!" Ako naman ang napairap ngayon.



"But seriously speaking Cassy, anong dapat kong gawin? I don't like what I'm feeling. Naguguluhan ako. Ayokong umasa. Masakit..." Bumuntong hininga ako.



"But damn! It's his freaking sister who told me! Syempre... syempre aasa ako! Argh! This is driving me insane, Cassy. Parang silang plaka sa utak ko ang mga salitang 'He's still inlove with you' na yan!"



Ibinuhos ko lahat ng frustrations ko habang sinasabi iyon sa kanya. Okupado ng lahat ng mga yan ang utak ko nitong nakaraang araw. Mabuti na lang at hindi naman ako naapektuhan kapag nagtatrabaho.



Thank God, I have Cassy. May bestfriend slash human diary pa ako.



"Hay nako, Venisce. Baliw ka na."



Nasapo ko ang aking noo nang marinig iyon. Pambihira. Puro lait ba ang matatanggap ko sa kanya ngayon? Sa pagkakaalam ko ay humihingi ako ng payo sa kanya.



Imbis na patulan pa ang panlalait niya sa akin ay inintay ko na lamang ang mga sunod niyang sasabihin.



"Ano yun? Dagdag sa titulo mo? Venisce Hanley G. Costalez: Loyal na, tanga at baliw pa! Hahahaha!"



Nangibabaw ang pagtawa niya sa kabilang linya. Lintek na babae 'to, enjoy na enjoy sa pang aasar ah.



"Oh ano? Tapos ka na ba? Tumigil ka nga, masyado ka nang masaya."



Tumigil siya sa pagtawa nang sabihin ko iyon. Narinig ko pa ang paghabol niya ng hininga pagkatapos ay nagsalita na.



"Uy, pikon na siya! Hahahaha! Eto na, eto na..." Tumawa na naman ang loka. Hay nako.



Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon