Chapter 16: Advice
"Waaaah!"
Napatakip ako ng aking tenga dahil sa magkasamang sigaw nina Cassy at Warren. Halos takpan ko na ang bibig nila dahil ayaw nilang tumigil.
"Ano ba?! Nakakabingi kayo! Tama na nga yan!" saway ko sa kanila.
Tumigil sila sa pagsigaw pero hindi nawala ang kilig sa mukha nila. Nagawa pa nga nilang hampasin ang isa't isa.
"Oh ano girl? Ano pang nangyari? Kinantahan ka talaga?! Hindi ko maimagine ang boses ni Helix! Ang suwerte mo girl!" kinikilig na sabi ni Warren at may kasama pang pagtulak sa akin.
Bwisit na bakla 'to. Ang sarap pektusan.
Nasa bahay kami ngayon. Nambulabog kasi ang dalawang 'to sa mapayapa kong buhay at nagyaya na sabay sabay na daw kaming mag enroll para sa second semester. Sa pagkakaalam ko ay gusto lang nilang may driver kaya dumayo sila dito. Tss. Pero bago kami umalis, pinilit muna nila akong magkuwento ng mga nangyari nung nagbakasyon kami sa Batangas.
Ayoko na ngang alalahanin, pilit pa nilang ipinapakuwento.
"Gusto niyo talagang malaman, huh?"
Para silang mga batang tumango at umayos ng puwesto. Buong atensyon nila ay nakatuon sa akin at abang na abang sa sasabihin ko.
"Nung gabing kinantahan niya ako ay ang gabing nalaman kong may ex pala siya which is Avery. The next day, we had an island hopping and that's also the day when his grandfather already made his decision. Luckily, Helix wasn't chosen. Ibig sabihin lang nun, tapos na ang deal namin. Edi... tapos na din kami. That was our last night together. Okay na?!"
Hindi maikukubli ang pait sa bawat salitang sinabi ko. Alam kong halata nila iyon dahil nakakunot ang noo nilang dalawa habang nakatingin sa akin.
"Oh? Ano? Okay na? Nalaman niyo na ang gusto niyong malaman?!" inis kong sambit at umirap sa kanila.
Nagkatinginan silang dalawa at maya maya ay tumango sa isa't isa. Nagulat ako nang marahas na humarap sa akin si Cassy habang umayos naman ng upo si Warren.
"Hmmm..." tumayo si Cassy at pabalik balik na naglakad sa harap ko. Nakahawak siya sa kanyang baba at tila may iniisip. Halos mahilo ako dahil sinusundan ko ang kilos niya. Laking pasalamat ko nang tumigil na siya sa ginagawa niya at saka ako hinarap.
"Bakit ganyan ang mukha mo?" nakaturo niyang sabi sa akin at nakataas pa ang isang kilay.
"... mahal mo na, ano?"
Nag-iwas ako ng tingin at hindi agad nakapagsalita. Walang lumalabas na salita sa bibig ko kaya humalukipkip na lamang ako at ngumuso.
"Aha! I knew it!" proud na proud na sabi ni Cassy at nagsnap ng kanyang daliri.
Excited na umupo si Cassy sa tabi ko. Ngayon ay pinanggigitnaan nila akong dalawa ni Warren. Pareho nila akong binigyan ng makahulugang tingin at tila hinihintay na ako mismo ang magsabi ng gusto nilang marinig.
Napabuntong hininga na lamang ako sa ginagawa nila. Ano pa nga bang magagawa ko? Eh malalaman din naman nila. Why prolong the agony?
"Oo. Mahal ko."
Nagapir silang dalawa ni Warren at maya maya ay tumili na naman. Kilig na kilig ang dalawa sa hindi ko malamang dahilan. Anong nakakakilig?
BINABASA MO ANG
Fall For You
RomanceVenisce Hanley Costalez is whipped and extremely swooned over her long-term crush, Ashton Miguel Villafuerte. In a snap, the tables suddenly turned as she met Rian Helixer Rodriguez who offered her a deal of being his pretend-girlfriend for a specia...