Chapter 58

110 6 30
                                    

Chapter 58: Together

Hindi ako makapaniwalang napatingin kay Helix matapos marinig ang sagot niya.

Tanginang "wala" 'yan.

Bumuhos na nang walang tigil ang luha ko. Mabigat ang tensyon sa buong paligid. Ang maingay at masiglang atmosphere kanina ay biglang naglaho at napalitan ng kabigatan. Sa loob ng ilang segundo ay binalot kami ng katahimikan. Saka lamang iyon natapos nang nagsalita muli si Avery. Hawak hawak pa rin siya ngayon ni Dave.

"You can't lose the things you worked hard for, Helix. Alam ko. Kilala kita. You won't give up everything just for her!"

Hindi ko pa din alam ang nangyayari pero alam kong naiipit na naman si Helix dito. There must be a reason behind all of this. There must be a reason why he is not saying anything to me. I tried to compose myself. Hindi ako pwedeng magpadalos-dalos.

Bumaling ako kay Helix na napakaseryoso ng ekspresyon habang nakatingin pa rin sa sahig.

"No, Avery. Hindi mo ako kilala." Nag-angat si Helix ng tingin at bumagsak iyon sa direksyon ni Avery.

"Kasi kung kilala mo ako, alam mong kaya kong iwan lahat para sa taong mahal ko." Aniya at pagkatapos ay tumingin naman sa akin.

Imbis na matatalim at nakamamatay na tingin ay namumungay at parang nagsusumano ang kanyang mga mata. Tila ba sinasabi niyang maniwala ako sa kanya sa pagkakataong iyon.

What he said made Avery furious. Mas lalo itong nagpuyos sa galit at mas lalo ring nagpumiglas sa pagkakahawak ni Dave. Masama ang tingin niya sa akin.

"Can't you see it, Venisce? Gusto ka lang niyang pakasalan para makatakas sa mga responsibilidad niya! Kailangan siya ng kompanya!" Sigaw niya sa akin.

Kompanya. Ngayong narinig ko ang salitang iyon ay nagkaroon na ako ng hinala. Is this about his responsibility as a CEO? Or something related to the business? Hindi ko alam pero sigurado akong may koneksyon iyon doon. Ewan ko. Kahit may hinala na ay naguguluhan pa rin ako. Para akong naliligaw sa pulo ng napakaraming ideya na hindi ko naman alam kung ano o saan ang patutunguhan.

"Stop this, Avery. I will never marry you. I will never marry anyone else. Si Venisce lang ang pakakasalan ko at wala nang iba." May pinalidad at diin na sabi ni Helix.

Lalo lamang naghisterikal si Avery. Lasing ba siya? O tuluyan lang talaga siyang nabaliw? Why is she so desperate?

"No! Hindi mo siya pakakasalan! We talked about this, Helix! You will marry me!" Paulit-ulit niya iyong isinisigaw.

Ang mga pinsan ni Helix ay nakaupo at nakapuwesto pa rin sa kung nasaan sila kanina. Ang iba ay nakatungo na parang hindi nila kayang panoorin ang nangyayari, habang ang iba naman ay blangko ang ekspresyong ipinapakita habang nakatingin kay Avery.

"Venisce, let him go! It's his dreams! Pangarap niya--"

"Enough of this, Avery." Pinutol ko na ang pagsigaw niya at sinikap na panatilihin ang matapang na mukha.

"You heard him. Hindi ka niya pakakasalan. You can't force yourself to someone who doesn't want you. It's pointless. Nagmumukha ka lang tanga."

Hindi ko alam kung paano nasabi iyon nang dire-diretso. This time, she was speechless. Nakaawang lang ang bibig ni Avery at parang hindi makapaniwala sa pagkaprangka ko. Nakatingin lang siya sa akin nang may pagkainis o pagkairita. Sinuklian ko iyon para ipaalam sa kanya na hindi ako madadala o matitinag sa kanyang mga paandar.

Sinamantala ni Dave at ni Kuya Paulo na katatayo lamang ang pagkakataong iyon. Ngayon ay nagtagumpay sila na itulak at dalhin si Avery palayo. Nagsisisigaw pa rin siya kahit kinakaladkad na siya palabas.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon