Chapter 13

212 8 19
                                    

Chapter 13: Key



Naalimpungatan ako nang marinig ang sunod sunod na katok sa pintuan ng aking kuwarto ngunit hindi ako natinag sa pagtulog. Nanatiling pikit ang aking mga mata kahit maingay sa labas.




"Ano ba...." inaantok kong sabi.



Kinapa ko ang aking kama at nang may mahawakan akong unan ay agad ko iyong ipinantakip sa ulo ko na kasabay din naman ng pagtigil ng mga katok.



Sa wakas, katahimikan.



Muli akong umayos ng puwesto para ituloy ang naudyok kong tulog. Huli kong narinig ay ang kalansing ng kung anumang bakal mula sa labas.



"VENISCE! GUMISING KA NA DYAN! TANGHALI NA!"



Muling nagising ang diwa ko sa boses ni Manang Celing habang niyuyugyog ako. Nakapasok na pala siya dito sa loob.



Inis akong lumipat sa kabilang side ng kama para hindi niya ako maabot pero agad naman niya akong hinabol.



"Gumising ka na! Tanghali na! Susmaryosep kang bata ka!" bulalas pa niya at naramdaman kong tinanggal niya ang kumot na nakabalot sa akin.



"Manang naman eh! Sembreak naman po namin ngayon! Hayaan niyo po akong matulog!" reklamo ko habang hinihila pabalik ang kumot ko.



Langya naman oh. Sembreak na kaya! Ang aga aga pa, gigisingin ako kaagad. Nasaan po ang hustisya?!



"Alam kong sembreak niyo, kaso Venisce, masamang paghintayin ang bisita."



Bisita? Hay, baka si Cassy. Ang aga namang mambulabog ng babaeng 'yon.



"Pakisabi po kay Cassy, bumalik na lang. Ang aga pa. Matutulog pa ako."



"Sinong nagsabing si Cassy? Hindi si Cassy ang bisita mo. Yung boyfriend mo. Kanina pang naghihintay sa baba! May 2 oras na yata siya doon!"



Napabalikwas ako sa aking kama sa mga huling sinabi ni Manang. Ang kaninang inaantok kong diwa ay gising na gising na ngayon.



Gulat kong tiningnan si Manang na ngayon ay nakapamewang na nakaharap sa akin.



"Boyfriend? Si Helix po?" di makapaniwala kong tanong.



"Aba, malamang! May iba ka pa bang boyfriend?" pambabara ni Manang sa akin. Sinimangutan ko siya.



"Ang aga naman po yata?!"



Ano naman kayang ipinunta ng mokong na yun dito nang ganito kaaga?!



"Anong maaga? Alas dose na ng tanghali, Venisce! Pasalamat ka hindi nainip yang si Helix kahihintay sa'yo kaya bumangon ka na dyan at mag ayos." sabi ni Manang at naglakad na palabas ng aking kwarto.



Saglit pa bago magproseso lahat ng sinabi niya sa utak ko. Nang matauhan ako ay agad kong kinuha ang aking cellphone na nasa side table ng kama.



Shit! 12:10 pm na? Ibig sabihin kanina pang alas diyes si Helix dito? Nasabunutan ko ang aking sarili dahil doon. Akala ko alas syete pa lang!



Napansin ko ding may mga text messages galing kay Helix kaya binuksan ko ang mga iyon.



From: Helix

Good morning, love

Gumising ka na. It's 7 am already.

Mag ready ka, may pupuntahan tayo.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon