Chapter 36

114 9 35
                                    

Chapter 36: Back to Square One



"Miss, pakicheck naman oh. Baka naman nagkamali lang..." Buong pagsusumamo kong sabi sa babaeng nasa front desk.



Bakas na bakas pa rin sa aking mukha ang pagkagulat, pag aalala at pagkabalisa. Hanggang ngayon ay hindi magsink in sa akin. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari.



Si Rian Helixer Rodriguez ang roommate ko.




Si Helix at ako. Sa iisang kwarto.




Lintek!




Sa lahat ng mga nangyayaring kabalastugan sa akin ngayon, iisang tanong lang ang nabuo sa isipan ko...




PAANO AKO TATAGAL NG TATLONG ARAW HABANG KASAMA SI HELIX SA IISANG KWARTO?!




Jusko lupa! Please lang, kainin mo na ako! Kulang na lang siguro ay magritwal ako rito sa hotel para kunin ng mga alien. Bwisit! Bwisit talaga!




"Ma'am, pasensya na po. Nakailang refresh at check na po ako pero iyon po talaga ang nakalagay sa guest list." Muling pagpapaliwanag ng staff na kausap ko. Halatang naiirita na rin siya sa pangungulit ko.




Naririto kasi ako sa front desk para iconfirm kung tama ba ang room assignment para sa akin. Ipinipilit kong mali pero mukhang wala na akong magagawa.




Meron pala.




Ang umiyak at maglupasay.




"Kung ayaw niyo pong maniwala, ito po..." Dagdag pa nitong staff. Iniharap na niya sa akin ang monitor ng kanyang desktop kung saan nakadisplay ang guest list ng Business Summit.




Napaimaginary facepalm na lang ako nang makita ang pangalan namin ni Helix na magkatabi kasama ang room number na nakaassign sa aming dalawa.




Wala na talagang pag asa. Hay.




Napabuntong hininga na lang ako. Nakakastress to! Leche!




Sa pagkakaalam ko naman ay mabait akong tao. Bakit nangyayari sa akin ang kamalasang 'to?! Pambihirang buhay!




Teka lang.




May pag asa pa!




"Uhh miss, may bakanteng room ba kayo?"




Lantaran na akong nagcross fingers sa harapan niya. Halos banggitin ko na rin lahat ng dasal na pwedeng dasalin. Please! Please!




"Meron po." Aniya matapos magbrowse ulit sa computer.




Parang biglang may kumantang mga anghel sa paligid ko nang marinig iyon. Ayos! Problem solved!




"Pero sa third day pa po magiging available ang mga yon. Nakareserve po kasi ang mga rooms hanggang bukas." Muling sinabi ng staff.




Ang kaninang nagdidiwang na ako ay parang pinagsakluban ng langit at lupa ngayon. Letsugas barahibas! Bakit ayaw makiayon ng mga bagay sa akin?!




Alright. I give up.



"Sige miss. Pasensya na sa abala."  Nanlulumo kong sabi at pilit na ngumiti sa staff na inabala ko.



"No problem, ma'am. Sabihan niyo lang po kami pag may problema." Aniya pa pero halata namang nagtimpi lang siya sa akin kanina. Kung nakakapatay siguro ang ang pagtingin ng masama ay patay na ako ngayon.



Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon