Chapter 1: Stop Flirting
"Wooooooh!"
Dumagundong ang buong gymnasium dahil sa sigawan ng mga fans.
Kasalukuyang naglalaro ang dalawang basketball teams ng magkaibang block. Magagaling ang players ng parehong teams kaya sobrang dikit ng laban.
"GO ASHTON!" halos mapaos kong sigaw kasabay ng pagwagayway ng banner na hawak ko.
Napatakip ng tenga ang bestfriend kong si Cassy na tahimik na nakaupo sa tabi ko samantalang ako ay halos tumayo na sa bleachers para magcheer.
"What?" tanong ko na ikinairap nya.
"Stop shouting, Venisce. Konti na lang talaga iisipin kong may megaphone dyan sa lalamunan mo." Iritang sagot ni Cassy.
"Yeah, yeah. Whatever you say. Kung ayaw mong magcheer ay tumahimik ka na lang! Basta ako, ichicheer ko si Ashton the Love of my Life!" Kinikilig kong sabi.
"Tsss. As if namang mapansin ka nya." Bulong nya na narinig ko naman.
"Anong sabi mo?!"
"Wala. Manood ka na lang dyan."
Hindi ko na sya pinansin at nagpatuloy na lang sa panunuod.
"Villafuerte, dribbling the ball...."
"Woooh! Go Ashtoooon!" Cheer ko.
Shet na malagket! Ang gwapo nya talaga kapag naglalaro. Isama pa yung seryoso at perfect nyang mukha! Kaya maraming nagkakandarapa sa kanya at isa na ako dun.
"Woooah." sigaw ng crowd kaya napatingin ako sa naglalaro.
Nagulat ako nang napaupo si Ashton sa sahig.
"Foul by number 13, Rodriguez" sabi ng announcer.
Naginit ang dugo ko at parang gusto kong sugudin yang Rodriguez na yan! Wala syang karapatang saktan ang Ashton ko!!
"BOOOOOOO! Ilabas na yang Rodriguez na yaaan!" Kantyaw ko doon sa lalaki.
Naagaw ko ang atensyon nya. Tumingin sya sa direksyon ko. Nagulat ako at nagkunwaring inosente.
Nang tingnan ko ulit sya ay nakita kong nakatitig sya sakin nang may nakakakilabot na ngisi sa labi.
Inirapan ko lang sya at tumingin na lang sa ibang direksyon.
"OMG! He looked at me! Helix Rodriguez looked at me!" Kinikilig na sabi nung babar sa likod ko. Ang tinis ng boses! Nakakasakit sa eardrums.
So, Helix Rodriguez pala ang pangalan nya?
"Wag ka ngang assuming. Ako ang tiningnan nya!" Sabi naman nung isa.
"Okay girls, stop day dreaming. Ako ang tiningnan nya. Nakangiti pa nga eh."
"No! It was me!"
Nagpatuloy sila sa pagtatalo at nang di na ako nakatiis ay humarap na ako sa kanila.
"Excuse me. There will be peace if you shut your mouths. So, please?" Mataray kong sabi at humarap na ulit sa game.
Narinig ko pang nagbulungan yung tatlo pero di ko na pinansin.
Fangirling over Helix Rodriguez? Unbelievable!
BINABASA MO ANG
Fall For You
RomanceVenisce Hanley Costalez is whipped and extremely swooned over her long-term crush, Ashton Miguel Villafuerte. In a snap, the tables suddenly turned as she met Rian Helixer Rodriguez who offered her a deal of being his pretend-girlfriend for a specia...