Chapter 40

128 8 53
                                    

Chapter 40: New Life

"Eto po iyong card para sa kwarto niyo, Ma'am. Sorry for waiting." Nakangiting sabi ng nakadutyng babae sa front desk ng hotel at ibinigay ang card na sinasabi niya.

Nginitan ko siya pabalik. "Salamat."

Pagkakuha ko ng card na magsisilbing susi sa aking kwarto ay kaagad kong tiningnan ang numerong naroon.

Room 407.

Napakunot ang noo ko.

Kung hindi ako nagkakamali, katabi lamang ito ng kwarto namin--- kwarto ni Helix na Room 408.

Akala ko ay makakalayo na ako pero mukhang hindi yata.

Di bale na, kesa naman magkasama kami sa iisang kwarto diba? At least hindi na ako magmumukhang tuod pag kaharap siya at hindi na rin siya maiirita sa akin.

Besides, iilan lang ang vacant rooms ngayon. Fully booked pa rin ang hotel dahil sa dami ng delegates sa summit. Mabuti na lang at mayroon pang available na Executive Suite.

Salamat naman at kahit ngayon lang ay inayunan ako ng tadhana.

Panay ang mga kabalastugang ginagawa ng lintik na yan sa akin nitong mga nakaraang araw eh.

Bwisit.

Nagsimula akong maglakad. Tahimik na ang paligid at wala na masyadong tao sa hallway. Mag-aala una na rin kasi ng madaling araw.

Nang nasa may elevator na ay napahikab ako. Mag-isa ako rito at ngayon lang ako nakaramdam ng pagod. Haaay. It's been a long tiring day. Patay ako neto bukas, baka mapasarap ang tulog ko at malate ako sa summit.

Sabay sabay tayong magdasal na sana ay magising ako sa aking alarm.

Sumandal na lang ako sa may elevator at unti unting nirecall ang mga pangyayari ngayong araw. Sa pag-iisip pa lang ng mga ito ay naiistress na ako.

Mula sa panaginip kong naghahalikan kami, sa pagkahulog ko sa sofa, sa pagtapon ng kape sa damit ko, sa summit, sa pagiging taken ni Helix, sa mga nakakawindang niyang linya, hanggang sa lahat ng nangyari ngayong gabi.

Akalain mong sa loob lamang ng isang araw nangyari ang lahat ng ito?

At sa loob rin ng isang araw, napakaraming katangahan ang ginawa ko. Nasapo ko ang aking noo nang mapagtanto yon.

Tumunog ang elevator at kasabay nito ang pagbubukas ng pintuan. Lumabas ako at nagtungo na sa hallway.

Napahinga ako nang malalim nang matanaw ang kwarto ni Helix. Imbis na matuon ang atensyon ko sa sariling silid ay eto ako ngayon at nakatitig sa pintuan ng kwarto niya.

Tama naman ang ginawa ko diba?

I'm doing myself a favor. Maging kay Helix ay pabor din ito. I should not regret this. Kahit ngayon man lang ay sarili ko ang isipin ko.

Hindi naman pagiging selfish ang tawag dito kundi self love.

Tama, self love.

Napailing na lang ako sa pinag-iisip ko at iniiwas na ang tingin sa pintuang yon. This is my first step to move on kaya dapat ay panindigan ko ito.

Pumasok ako sa kwarto. Hindi na ako masyadong namangha dahil halos kapareho lamang ito ng kwarto ni Helix. Same size of bed. Same furnitures. Same interior design. Malamang dahil Executive Suite din ito.

Pinuntahan ko muna ang mga gamit ko na dinala na ng mga hotel crew dito kanina. Ichineck ko ang bawat isa at siniguradong walang nawawala doon.

Nang matapos ako sa pagchecheck ay naglinis ako ng aking katawan. Feeling ko kasi ay sobrang lagkit at dungis ko.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon