Part 2: Meet the Cousins

822 12 0
                                    

Part 2 (Meet the Cousins)

Nawala ang tingin ko sa lalaki ng bigla akong kinilabit ni Kuya. Nilingon ko siya gamit ang naiirita kong mukha.

Nakakainis!

Nilahad niya sa akin ang isang box ng chocolate. Tinitigan ko siya at halatang nasasarapan siya sa pag kain. Bigla akong naglaway. Favorite ko kasi ang chocolates. Lalo na at Toblerone ang kinakain niya.

Pasalamat siya at favorite ko itong nilalahad niya. Kumuha ako ng dalawa mula sa kahon at muli na namang binaling ang tingin ko sa daan.

Nakalagpas na kami sa apat na mansyon at may nakikita pa akong mga bahay na gawa sa semento at glass windows.

"Bahay po ito ng mga konsehal at kapitan dito sa Hacienda." Sabi ng driver namin.

Ng makalagpas kami sa mga bahay ay nadaanan namin ang iilang mga bulaklak at huminto ang kotse namin sa tapat ng isang malaking bahay. Two-storey building ito at maganda ang pagkaka-gawa sa bahay. May malaki ding gate ngunit nakikita pa rin mula dito ang pangalawang palapag ng building ng bahay.

Ito na ba ang bahay namin?

Bumusina ang driver namin at bumukas naman kaagad ang malaking gate. Nakita ko ang dalawang security guard sa magka-bilang gilid ng gate.

"Eto po siguro ang pangalawa sa pinaka-malaki at pinaka-magandang bahay dito sa Valencia bukod sa mga mansyon ng Montediragon."

Dumaan kami sa isang maliit na water fountain. Ang fountain ay may naka-ukit na anghel na binubuhat ang isang parang malaking plato na kung saan ay doon naman nanggaling ang tubig.

The place is nice. Mas malaki ito kaysa sa bahay namin sa Maynila. Ang daan ay sakto lang para makadaan ang mga kotse. Sa gilid ng sementadong daan ay puro mga bermuda grass ang nakikita. May mga bulaklak din sa bawat gilid ng lugar. Sa kaliwang banda ay may infinity pool at iilang mga sun lounges na may malaking payong bawat isa. Sa kanan naman ay may swing at benches. May table din na gawa sa matibay na kahoy.

"Wow." Bulalas ko.

"I told you. This place is nice." Bulong naman ni Kuya sa akin.

Hindi ko akalain na magugustuhan ko ang bahay namin at ang paligid nito. This is just so relaxing!

Pag-hinto ng kotse sa harapan ng double doors ng bahay namin ay kaagad naman akong lumabas mula sa kotse. May hagdan na may apat na baitang pa bago ang mismong double doors ng bahay.

Doon sa naka-bukas na double doors ay nag-aabang ang limang kasambahay namin. Ang dalawang security guards naman kanina ay nandoon na rin sa tabi ng mga kasambahay. May katabi din silang lalaki na medyo may katandaan na. May suot itong long sleeve at pajama na medyo may putik at may sumbrero pa ito.

"Maligayang pagdating, Mr. & Mrs. Torres!"

Masiglang bati nila sa amin. Ngumiti si Mommy at Daddy sa kanila.

"Naku, maraming salamat. Hindi ko akalain na makikita ko pa rin kayo dito." Manghang sabi ni Mommy.

"Syempre naman po. Noong namatay po ang Papa ninyo ay hindi po namin iniwan itong bahay. Pinanatili po namin ang kagandahan dito. Salamat po iyon sa tulong ninyo."

Kumunot ang noo ko. Naguguluhan ako. Papa? Si Lolo? Taga-rito pala ang pamilya ni Mommy? So, ito pala ang bahay ni Lolo na pinamana niya kay Mommy.

Well, nakita ko si Lolo noong bata pa lang ako. Nag-punta siya sa Manila upang makita kami. Naging close kami ni Lolo at hindi ko alam na taga-rito pala siya. I heard about the death of Lolo. I even cried during that time. Umalis sina Mommy para maka-dalo sa libing ni Lolo ngunit hindi nila ako sinama.

Unwavering (Montediragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon