Part 3 (Rot in Hell)
Sabay kami habang naglalakad patungo sa mismong bahay namin. Ng makita kami ni Kuya ay tumayo siya mula sa pagkakahiga sa sun lounge at ibinulsa ang kaniyang cellphone.
"Hi!"
Nakangiting bati niya sa amin. Huminto naman kami mula sa paglalakad at hinarap si Kuya.
"Rhea, Addy. This is my brother, Jecerniel. But well, ang haba naman kasi ng pangalan niya. So, Niel nalang."
Sabi ko. Tumawa naman si Rhea at nakipag-kamayan sila kay Kuya.
"Kuya, this is Rhea," sabay turo ko kay Rhea na nakangiting kumaway kay Kuya "and Addy." Turo ko naman kay Addison na nakipag-high five kay Kuya.
"You look familiar. Have you been here before?" Biglang tanong ni Rhea kay Kuya. Tumango naman si Kuya.
"Yes. Actually, first time kong pumunta dito noong namatay si Lolo. Siguro napansin mo ako noong mga panahong 'yun." Sabi ni Kuya sabay tawa.
"Ma'am Rhea at Ser Addison, nandito pala kayo."
Napalingon kami sa kasambahay namin na siyang pinaka-matanda sa lahat ng kasambahay namin. Napangiti naman sina Rhea at Addison sa kaniya.
"Manang Ysa! Kamusta kayo?" Bati ni Addison sa kasambahay namin na tinatawag nilang Manang Ysa.
"Naku, ayos naman ako. Kayo ang kamusta. Ilang buwan ko rin kayong hindi nakita." Sabi ni Manang Ysa.
"Sabay po kasing nag-bakasyon ang pamilya namin ni Addison sa Surigao. Pasensya na at ngayon lang kami naka-bisita dito, Manang." Sabi ni Rhea sabay yakap kay Manang Ysa. Hinalikan naman ni Manang Ysa sa buhok si Addison. They look close.
Napalingon sa amin si Manang Ysa kaya ngumiti kami sa kaniya.
"Ayos lang po ba kayo?" Tanong ni Manang Ysa. Sabay kaming tumango ni Kuya.
"Rhea? Addy?"
Manghang tanong ni Mommy mula sa kinatatayuan niya. Nilingon siya nina Rhea at Addison. Mas lumaki ang ngisi ni Mommy dahil sa paglingon nito sa kaniya.
"Tita Leticia!"
Sabay nilang sigaw at tumakbo papunta kay Mommy. Nag-beso beso sila at nag-kamustahan.
"Hali kayo sa loob. May hinanda na merienda sina Manang Ysa. Ria, Niel. Hali kayo mga anak. Samahan niyo sila."
Sumunod naman kami papunta sa dining room. Kahit na busog na ako ay hindi ako tumanggi. Chance rin namin ito para makapag-bonding na mag-pinsan.
Habang kumakain ay naging mas close kami ng mga pinsan ko. Si Addison kasi, ang kulit at ang daldal. Habang si Rhea naman ay panay tawa lang sa mga jokes nitong si Addy na sinasabayan naman ni Kuya. She's also friendly at hindi nawawalan ng topic kaya nagka-sundo kami agad.
"Gusto pa sana naming manatili dito kaso gumagabi na. Baka hinahanap na ako ng kapatid ko. Napaka-strict pa naman nun." Sabi ni Rhea sabay tawa. Kumunot naman ang noo ko.
"You have a brother?"
Ang akala ko kasi, both brothers of my Mom has only one child. Pero bakit may kapatid si Rhea? Tumango siya.
"A younger brother. Ang akala nila Mommy at Daddy ay hindi na ako masusundan pa. But after two years, nabuo si Jaxon."
Napatango-tango naman ako. Kaya pala. Well, it doesn't matter anyway. I also wanted to meet his brother! Para makilala ko lahat ng pinsan ko.
Kumaway na kami sa kanila. Hinatid namin ni Kuya sina Rhea at Addison sa gate. Aalis na sana sila ng biglang napatigil si Rhea.
"Oh, wait!" Sabi niya sabay lingon sa amin. May kinuha siyang dalawang envelope mula sa bulsa ng kaniyang floral dress na suot.
BINABASA MO ANG
Unwavering (Montediragon Series #2)
RomanceAzariah Kieth Torres. She's wild, party girl. Untamed young lady. Definitely not his type. Luis Harold Montediragon. He's cold, silent, hates parties. Definitely an opposite of her. Ngunit, kaya ba nilang hindi magdalawang isip sa isa't-isa? Can the...