Part 28: New Year

324 4 0
                                    

Part 28 (New Year)

"Of all places, bakit sa Bais pa sila titira?" Tanong ko.

She just shrugged. "I heard ang family ng Mommy nya ay taga doon."

I brushed my hair using my hands and heaved out a sigh.

"I just hope that we won't bump into each other when that time comes."

Sa pagkakaalam ko ay nasa college na ngayon si Vincent. He's two years older than me. Ka-edad lang nya si Rhea na nasa second year college na sa ngayon.

Nahinto ang aming pag-uusap ng biglang dumating ang iba pa naming kaibigan. Lahat sila ay nagtatawanan habang kumakaway sa amin. Annika waved a bottle of Smirnoff in her hands.

"If we can't go to a bar, let's just bring the party here!" Sigaw ni Annika habang winagayway nya ang kaniyang kamay sa ere.

Napa-iling nalang ako habang natatawa sabay upo sa mga upuan na nandoon.

"Cheers for the arrival of Ria!" Sigaw ni Annika habang tinataas sa ere ang kaniyang baso na may lamang vodka.

Tumawa ako. "Cheers!" Sabay naming sigaw.

"Sweetie, tapos ka na ba diyan?"

Rinig ko ang sigaw ni Mommy sa akin mula sa baba habang ako ay nag-aayos pa dito sa aking kwarto. Ilang oras nalang ay New Year's Eve na at nandito pa rin ako sa kwarto, hindi pa tapos mag-ayos. Ice-celebrate daw namin ang New Year's Eve sa bar namin kasama ang lahat ng Torres' clan at mga pamilya ng kaibigan ko. Gawain na namin ito tuwing New Year's Eve na sabay namin sasalubungin ang January 1.

"Coming, Mom!"

Kinuha ko ang purse ko sa lamesa at dumiretso sa baba. Pagkababa ko ay nakita ko sina Mommy, Daddy at Kuya Niel na halatang kanina pa tapos sa pag-aayos.

"Ang bagal mo talagang mag-ayos." Reklamo ni Kuya ng makarating ako sa kaniyang tabi.

I just rolled my eyes. "It's a girl thing that's why you won't understand."

Hindi naman kami natagalan sa pagdating sa bar dahil malapit lang naman ito sa bahay. It's only a 15 minute ride.

Luis: Hey, how are you? You enjoying there?

Me: Nandito kami ngayon sa bar namin. Dito namin ice-celebrate ang New Year's Eve with the whole Torres' clan.

Pagkapasok namin sa loob ng bar ay sumalubong kaagad sa amin ang dim lights at maingay na tugtog ng musika. Some of my cousins were already dancing on the dance floor.

"Good evening, Leticia! What took you so long?" Salubong sa amin ng Mommy ni Danica.

"We're so sorry, Danni."

Lumapit ako kay Tita Danni para makipag-beso. Ganoon din ang ginawa ko sa daddy ni Danica at sa mommy at daddy ni James. I saw James sitting on the couch habang may hawak na baso ng inumin. As always, masungit pa rin sya. But we're close. Masungit lang sya sa unang tingin. But he's actually a nice person. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi nya.

"Hey." Bati ko sa kaniya.

"Yo."

"Where's Danica?" Tanong ko.

Tinuro nya lang ito gamit ang kaniyang nguso. I saw Danica walking in front of the stage with a guitar on her hand. Oh, yes. She has a nice voice and knows how to play different instruments. Siya lang yata ang talented sa amin. Namana nya kasi ang kaniyang galing sa pagkanta sa Mommy nya. Tita Danni's family is all talented.

Unwavering (Montediragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon