Part 27 (Bothersome)
Pagkatapos kong maghugas ay dumiretso ako sa kwarto para maligo at magbihis na. As soon as I entered my shower room kaagad akong naligo. I feel relief ng tumama sa balat ko ang malamig na tubig mula sa shower. These past few days, I've been preoccupied. Hindi ko man lang namalayan na sobra na pala akong pagod. That's why the moment I heard Mom that we're going to celebrate New Year at Manila, sobrang saya ko. At last, I'm going to meet my friends again.
Narinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pintuan ng kwarto ko. Kumunot ang noo ko.
"Mom, are you there?" Tawag ko mula sa banyo. Wala akong natanggap na sagot kaya kumunot lalo ang noo ko.
Tapos na rin naman akong maligo kaya kinuha ko ang towel ko at pinulupot ito sa aking katawan. Kinuha ko rin ang isang tuwalya para sa buhok ko.
"Mommy, bakit po kayo nandito? You need anything?" Tanong ko habang nasa banyo pa rin.
Pinihit ko ang door knob ng banyo at lumabas na. Laking gulat ko ng makita si Luis na nasa kama habang nakahiga.
"What are you doing here?" Gulat kong tanong.
"I don't have someone to talk to sa baba. Lahat sila ay nagbibihis na." Sabi niya ng hindi man lang nahiya sa pagtitig sa akin.
"Can you please quit staring? Lumabas ka muna, magbibihis ako."
Binuksan ko ang aking closet at kumuha ng dress na susuotin. Nilapag ko ito sa aking kama at umupo sa stool kaharap ng aking salamin at mga gamit para sa katawan at mukha. Kinuha ko ang aking lotion at nagsimulang ilagay ito sa aking kamay. Dahil sa ginagawa ay nakalimutan ko na nandito pa pala si Luis sa loob ng kwarto ko. Kaya noong tumayo ako at tumingin sa kama ay laking gulat ko ng makita sya na nakahiga pa rin habang pinapanood ang mga kilos ko.
"What are you doing? Papanoorin mo lang ba ako?"
"Pwede din. Ganito din naman tayo kapag kasal na tayo e."
Napasapo nalang ako sa aking noo dahil sa kaniyang sinabi. Okay, I admit. Kinilig ako doon. But it's not the time to joke around. Baka ma-late pa ako para sa flight namin.
"Tumayo ka na kasi diyan. Magbibihis na ako."
I dragged him out of the bed but he's resisting my pull.
"Ayoko. I'm tired to get up." He murmured.
"Dali na kasi."
I used all my strength to pull him out of bed pero nawalan lang ako ng balanse dahil sa tuwalya na natapakan ko sa sahig. I almost tripped but luckily, he is quick. Kaagad nya akong hinila papunta sa kaniya dahilan upang mapasubsob ako sa kaniyang dibdib.
"Are you okay?" Tanong nya na may halong pag-alala.
I glared at him. "Sinabi ko na kasi sayo diba? Magbibihis ako. Ayaw mo pang lumabas."
"Fine. I'm sorry. I was just teasing you."
I snorted. "I almost tripped."
"I know. I'm sorry, okay?" Malambing nyang sabi.
Hinawi nya ang ilang hibla ng buhok ko na tumatabon sa aking mukha.
"It's just that I'm gonna miss you. Hindi ako sanay na hindi ka nakikita ng ilang araw." The way he speaks is now soft and it feels like a whisper already. Hindi ko mapigilan ang sarili na titigan sya.
Dahan-dahan nyang sinusuklay ang basa kong buhok habang tinititigan nya ang aking mukha.
"Kung pwede lang sana na sumama sa inyo, ginawa ko na."
BINABASA MO ANG
Unwavering (Montediragon Series #2)
RomanceAzariah Kieth Torres. She's wild, party girl. Untamed young lady. Definitely not his type. Luis Harold Montediragon. He's cold, silent, hates parties. Definitely an opposite of her. Ngunit, kaya ba nilang hindi magdalawang isip sa isa't-isa? Can the...