Part 36 (Two Thruths and a Lie)
Hindi ko akalain na siya pala ang nagmamay-ari sa kompanya na pinagta-trabahuan ko. I can't believe we meet again. Sa pagkakaalam ko, nasa ibang bansa siya at doon na nanirahan pagkatapos ng graduation sa college. Simula kasi nung eksena sa labas ng Kri Restaurant ay hindi ko na siya muling nakita pa.
"Uy! Tulala ka diyan? Bakit? Nahumaling ka rin ba sa kagwapuhan ni Sir Luis? Ang gwapo niya 'noh?" Sabi ni Christine habang sabay kaming naglalakad papunta sa kwarto namin.
Napabalik ako sa kasalukuyan ng sabihin niya 'yun. Tipid akong ngumiti at hindi sumagot sa kaniyang sinabi.
Pagkarating namin sa room namin ay sakto naman na nandoon na rin ang tatlo pa naming makakasama sa kwarto. Mula sila sa ibang department at pamilyar naman sila sa akin dahil nasa iisang kompanya lang naman kami.
"Dito din kayo?" Tanong ni Kim.
Tumango kami ni Christine at sakto naman na dumating ang isang babae na trabahante ng resort. Naka-ngiti siya habang sinasalubong kami.
"Here is the key in your room. Enjoy your stay here in Monte Spring Resort."
"Thank you." Saad namin sabay kuha sa susi ng kwarto. Nasa akin ang susi kaya ako na ang nag-bukas ng pinto.
Kaagad naman akong nahiga sa kama na nandoon. Dalawang queen size bed ang nasa loob na kasya ang dalawa hanggang tatlo na tao. May sarili ring banyo na nandoon na sakto lang ang laki.
"Nakakapagod!" Sigaw ni Christine sabay higa rin sa tabi ko.
"Kakatulog mo pa nga lang sa bus kanina e." Sabi ko.
Tumawa siya at tumayo ulit.
"Halika, mamasyal tayo." Saad niya.
Naupo ako sa kama atsaka umiling.
"Matutulog na muna ako."
Napagod din kasi ako sa byahe dahil hindi naman ako nakatulog sa bus. Nakaka-engganyo din ang lambot ng kama para matulog.
"Ikaw bahala."
Kaagad akong nakatulog dahil na rin sa pagod. Mga bandang 12:00 pm ay ginising ako ni Christine na kakagaling lang sa paglilibot.
"Magl-lunch na daw." Saad niya.
Tumango naman ako at inayos ang sarili. Tinali ko ang aking buhok mula sa pagkakalugay at lumabas na ng kwarto. Sabay kami ni Christine sa pag-punta sa tabi ng swimming pool kung saan may mga lamesa at upuan na nandoon para sa lunch namin.
Nilibot ko ang aking paningin sa paligid. Wala si Luis kaya nakahinga ako ng maluwag. Nandito na rin si Sir Adrian kaya nagpunta na kami sa lamesa kung nasaan ang iba pa naming ka-department.
"Kapagod talaga ang byahe. Pero nawala kaagad ang pagod ko ng nilibot ko ang buong resort. Grabe, ang ganda pala ng lugar na 'to. May hot spring din sa may likod nitong lugar na 'to atsaka may spring na ang ginaw at nakaka-refresh." Saad ni Kim.
"Talaga? Sayang at hindi ko man lang nalibot ang lugar. Natulog kasi ako agad pagkarating sa kwarto namin." Ani Louie.
"Hindi biro ang two hours na byahe." Dagdag ni Lance.
Nagsimula na kaming kumain ng dumating na ang mga pagkain sa lamesa namin. They serve different kinds of sea foods including shrimp. Dahil favorite ko 'yun ay iyon kaagad ang kinain ko.
"Bakit nga pala wala si Sir Luis? Hindi ba siya sasali sa salo salo natin?" Tanong ni Fatima.
Her question were answered ng biglang dumating si Sir Luis na naka floral button polo shirt na hinayaan niya lang na naka-unbotton lahat ng butones. He paired it with his khaki shorts and I must say, lahat ng babae dito ngayon ay nakatitig sa kaniya. His abs is clearly seen habang naglalakad na parang model.
BINABASA MO ANG
Unwavering (Montediragon Series #2)
RomansaAzariah Kieth Torres. She's wild, party girl. Untamed young lady. Definitely not his type. Luis Harold Montediragon. He's cold, silent, hates parties. Definitely an opposite of her. Ngunit, kaya ba nilang hindi magdalawang isip sa isa't-isa? Can the...