Part 23: Officially Yours

421 2 0
                                    

Part 23 (Officially Yours)

Pagkatapos ng klase sa umaga ay kaagad akong nag-ligpit ng mga gamit. Sinulyapan ako saglit ni Theresse at bumalik na naman sa pagliligpit ng kaniyang mga gamit.

"Nag-away ba kayo ni Luis?" Biglang tanong ni Theresse.

"Hindi. Bakit?"

Nagkibit balikat siya.

"Wala lang. Mukha kasing matamlay si Luis kanina noong hinahanap ka niya."

Mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni Theresse. May nagawa ba ako? Ayos naman kami kahapon ah? Imposible na may away kami ni Luis. Baka may sakit siya kaya siya matamlay.

"Mauna na ako."

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Theresse. Dire-diretso ako palabas ng classroom papunta sa school grounds.

Mainit sa grounds dahil sa sinag ng araw. Alas otso y media na kasi ng umaga. Dali-dali akong naglakad patungo sa may punong mangga sa pinaka-dulo ng school ground. Mula dito sa kinatatayuan ko ay nakita ko si Luis na naka-tayo habang naka-talikod sa akin. He placed his hands inside his pockets. Ang kaniyang buhok na tumatabon sa kaniyang kilay ay nililipad ng hangin.

As soon as I reached him, kaagad ko siyang niyakap mula sa likod.

"I miss you."

I heard him chuckle. Kinalas niya ang aking kamay mula sa kaniyang baywang at lumingon sa akin.

"Na-late ka kanina?" Tanong niya.

Tumango ako. "Natagalan ako sa paggising e."

Sabay kaming umupo dalawa sa damuhan. Sumandal kami pareho sa puno ng mangga at sabay pinag-masdan ang paligid. Walang nagsasalita sa amin. The silence is not awkward after all. I find peace at it.

"Bakit mo nga pala ako gustong maka-usap?" Pag-basag ko sa katahimikan.

Nilingon ko siya. Hindi siya lumingon sa akin dahil ang kaniyang mata ay naka-titig lamang sa paligid. He slightly smiled.

"We promised not to keep secrets, right?" Sabi niya.

Tinitigan ko siya. Why did he open up that topic? Of course, I don't want to keep secrets from him. Lahat ng mga lihim ko ay sinabi ko na sa kaniya. Pati ang kung ano ako noon. Party girl. Play girl. Lahat, sinabi ko na sa kaniya.

Biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa tawag. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at nakitang mula iyon sa unknown number. Sinagot ko ang tawag.

"Hello?"

Ilang minute ring hindi nag-salita ang nasa kabilang linya. Kumunot ang noo ko. Sino ba 'to? Mag-sasalita pa sana ako pero natigilan ako ng bigla itong nagsalita.

"Ria... I missed you."

Vincent Castel...

Napa-kagat labi ako at kaagad pinatay ang tawag. Bakit nanaman niya ako tinawagan? Matagal ko na siyang binaon sa limot. Matagal na siyang walang parte sa buhay ko at kailan man ay wala siyang naging parte sa buhay ko. Siya lang talaga itong makulit.

"Sino 'yun?"

Napalingon ako kay Luis sa tanong niya. Hindi ko na-kuwento sa kaniya ang tungkol kay Vincent. At ayaw kong sabihin. As much as possible, I don't want him to know.

"Wrong number e." Sabi ko.

Narinig ko ang pag-buntong hininga ni Luis.

"Start na ng next class. Kailangan na nating pumasok."

Unwavering (Montediragon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon